Muling binalikan nila Thunder at Austin ang nasunog na bahay. Ngayon ay nakatayo sila hindi kalayuan sa harapan nito at bakas sa kanilang mga mukha ang panlulumo dahil sa halos maabo na ang buong bahay. Nagbuga nang hininga si Thunder. “Mabuti na lamang at mga gamit lamang ang naabo at walang mga mahahalagang dokumento na nasama,” saad ni Thunder. Lahat ng dokumentong nadala niya sa bahay ay nakalagay sa vault na gawa sa sobrang kapal na materyales. Tumingin si Austin kay Thunder. Hindi ito nagsalita. Tiningnan ni Thunder si Austin. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya. “Halos lahat kasi ng mahahalagang dokumento ay nasa office at ‘yung iba, nasa mansyon sa Baguio. Iyong laptop naman… mabuti at naiwan ko sa opisina nu’ng isang gabi kaya hindi rin nasama sa sunog. ‘Yung ibang documen

