Madilim na madilim ang lugar at nasisinagan lang ng kaunting liwanag ng buwan. Walang katao-tao sa buong paligid. Nakakabingi at nakakatakot ang katahimikan. Mabilis at nagmamadali na naglalakad-takbo si Charmaine sa hindi alam kung saang lugar pupunta. Wala na rin siyang pakiealam kung lupa o dumi na ba ang inaapakan ng kanyang mga paa. Pakiramdam niya kasi, may sumusunod sa kanya na kung sino. Bakas sa mukha nito at takot at matinding kaba ang nararamdaman. Patingin-tingin ito sa kanyang likuran. Lingon siya ng lingon. Balisang-balisa na siya at natataranta. Malakas ang pakiramdam niyang may sumusunod sa kanya ngunit wala naman siyang nakikita. Mas binilisan pa ni Charmaine ang paglalakad na naging takbo na para makaalis na siya sa lugar pero mistulang napakahaba ng eskinitang nilalak

