Matamang nakatingin si Austin kay Charmaine na nakaupo sa gilid ng kama. Nakatali ang mga paa nito ng makapal na bakal at kadena sa inuupuang kama at ang mga kamay ay hindi na. Tulala lamang si Charmaine at tahimik na tahimik. Tila nawala ito sa tamang katinuan. Huminga nang malalim si Austin. “Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayong tinitingnan kita. Naaawa ako sa kalagayan mo at hindi ko iyon mapigilan… at the same time ay nagagalit din ako sayo dahil sa naaalala ko ang mga ginawa mo sa kuya ko. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na masabing deserve mo kung ano man ang nangyayari sayo ngayon,” malungkot na lahad niya na pumutol sa mahabang katahimikang bumalot sa kwartong iyon. Sila lamang dalawa ang naroon at nasa labas ang mga tauhan ni Thunder at nagbabantay. N

