CHAPTER 64

917 Words

Tuwid na nakatayo sa harapan ng bintana si Austin at tulalang nakatingin sa labas. Hanggang ngayon ay nasa isipan pa rin nito ang naging daloy ng usapan nila ni Charmaine. Nasa ganoong eksena si Austin nang pumasok naman si Thunder sa kwarto. Nakita niya si Austin. Huminga ito ng malalim. Ramdam niya na hanggang ngayon ay pagtatampo pa rin ito sa kanya. Dahan-dahang isinara ni Thunder ang pintuan ng kwarto saka mabagal siyang naglakad palapit kay Austin na hindi naman namamalayan ang paglapit niya. Bahagya na lamang nagulat si Austin nang may yumakap sa kanya mula sa likod. Alam naman na niya kung sino ‘yun dahil ito lang naman ang kasama niya sa bahay na ito. “I’m sorry,” pabulong na sambit ni Thunder habang mahigpit na nakayakap ito kay Austin at nakapatong ang baba sa kanang balikat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD