“Haaay sa wakas!” natutuwang bulalas ni Thunder saka ngumiti nang tagumpay. Nag-inat-inat siya ng mga braso habang nakaupo siya sa kanyang swivel chair na nasa loob ng home office niya. Dahan-dahang isinara ni Thunder ang kanyang laptop na nakapatong sa may office desk na nasa kanyang harapan. Tuwang-tuwa ito kasi sa wakas ay naayos na rin nila ni Gilbert ang naging problema sa kumpanya. Pagkatapos ng maghapon niyang pagtutok sa laptop para gawin ang trabaho at makipag-chat na rin sa mga dapat kausaping tao, pagsagot sa mga tawag ni Gilbert hinggil sa naging problema sa kumpanya, sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya. Napahinga nang malalim si Thunder saka isinandal ng maayos ang likod sa sandalan ng swivel chair para mag-relax. Tumingin pa siya sa wall clock. Malalim na ang gabi. Sig

