“Nasaan si Austin?” patanong na sambit ni Charmaine kay Brandon na nakaupo sa mahabang sofa. Nakatayo siya malapit sa asawa at nakahalukipkip ang braso. Tumaas pa ang kanang kilay niya. “Gabi na at wala pa siya dito sa bahay. Nag-overtime ba siya sa trabaho?” pagtatanong niya pa na nagpatigil naman kay Brandon sa pagbabasa ng libro at nagpatingin sa asawa. Nasa living room ngayon ang dalawa. “Hindi siya makakauwi ngayong gabi,” sagot ni Brandon na ikinataka naman lalo ni Charmaine. Lumapit ito sa single sofa at naupo doon ng pa-dekwatro. “Ay? Bakit?” tanong ni Charmaine. ‘Baka nanlalaki,’ biro pa niyang sabi sa isipan. Matagal na kasi niyang kutob na may kakaiba kay Austin, na hindi ito tunay na lalaki. Hindi lamang niya sigurado kung tama ang kutob niya dahil wala pa naman siyang nakiki

