“Sigurado ka ba na hindi mo gustong ilantad ang relasyon nating dalawa?” pagtatanong ni Thunder kay Austin. Nasa loob sila ngayon ng opisina ng una. Napatigil sa pagta-type sa laptop si Austin. Sandaling tiningnan niya si Thunder na nakaupo sa swivel chair nito pero kaagad ring binawi ang tingin saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa. “Mas mabuti na rin na tayo munang dalawa ang nakakaalam sa relasyon nating dalawa. Ayoko rin kasi na maging usap-usapan tayo lalo na dito sa kumpanya,” sagot ni Austin nang hindi tumitingin kay Thunder. “So iniisip mo pa rin pala hanggang ngayon ang sasabihin sa atin ng iba,” malungkot at dismayadong sambit ni Thunder. Ngumiti nang maliit si Austin. “Hindi naman maiiwasan na isipin ko ‘yun Thunder. Nasa mapanghusgang mundo tayo at ayokong makarinig ng mga

