Dahan-dahang idinilat ni Austin ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagdilat, nanlalabo ang kanyang mga paningin kaya muli siyang napapikit. Huminga siya ng malalim saka dahan-dahan na muli niyang idinilat ang kanyang mga mata. Sa kanyang pagdilat muli, mas naging malinaw na ang kanyang paningin. Puting kisame ang siyang sumalubong sa pagdilat ni Austin. Hindi niya alam kung nasaan siya. Ang pakiramdam niya ngayon ay tila napakatagal niyang nahimbing sa hinihigaan niyang kama ngayon. “Mabuti naman at gising ka na.” Tumingin si Austin sa lalaking nakatayo sa tabi ng kama na hinihigaan niya. “Yale?” tanong niya. Tumango saka tipid na napangiti si Yale na ngayon ay nasa hospital room at siya lamang ang naroon ngayon bukod sa pasyenteng si Austin. “Teka… nasaan ba ako?” nagtatakang tanong
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


