Sinilip niya ang binata sa guest room ngunit tulog pa ito. Alas otso na ng umaga at kailangan na niyang pumunta sa trabaho dahil kakausapin niya ang mga staff para sa bagong items na ilalabas nila sa merkado. Tinanghali na nga siya ng gising dahil kay Mason kaya hindi na niya magawang mag-agahan. Magpa-padeliver na lang siya mula sa Frenchies. "Ms. Lou," napalingon siya kay Chel ng tawagin siya nito. Bitbit ng babae ang mga pinagpuyatan niya kagabi bago siya ginambala ng dalawang bisita niyang lalaki. "Hindi na po ba kayo mag-aagahan? May luto na pong pagkain." Umiling siya at ngumiti. "Hindi na, Chel. Sobrang late na ako sa trabaho pero babalik ako dito after lunch. Dito na din ako manananghalian." "Ano po ang gusto ninyong kainin para mamaya?" Tanong nito. "Mag-sinigang

