Sumisinghot-singhot ang mga bata nang umakyat ang mga ito ng kotse. Mugto din ang mga mata, ganoon din si Cameron. Si Louise na sumakay sa passenger seat lang ang hindi niya nakitaan ng lungkot. "All settled?" Tanong niya sa mga ito at sinulyapan sa rearview mirror ang mag-iina. Nakapangalumbaba si Cameron at nakatingin sa labas ng kotse. Si Camaro naman ay nakahilig sa balikat ni Lexus. Dahil wala naman siyang makukuhang sagot sa mga ito ay kay Louise siya tumingin ngunit maging ito man ay tahimik sa pagkalikot ng cellphone nito. "I will be so sad without Tito Ivan," narinig niya si Camaro na sumisigok-sigok pa. "He's a giant but sweet and soft...." "Tito is not soft," pagtatama ni Lexus. "His body is so hard and all muscles." Napatuwid ng upo si Camaro. "I am not talking

