Umupo ito sa swivel chair at binuksan na ang hawak na folder. "Kailan ka pa nakialam sa suot ko, Maze?" Hindi pa din nawawala ang ngiti nito. "Dahil ngayon mo lang ginawa na magsuot ng ganyan sa harapan ng manliligaw mo!" Humalukipkip siya. "Tapos hinayaan mo pa siyang tumira dito nang ilang araw at wala kang sinasabi sa akin tungkol doon." "Alam mo namang pagdating sa mga bata, hirap akong humindi," pagdadahilan nito. "Don't give me that crap, Cam!" Tinignan niya ito nang matalim. "Ang sabihin mo, gusto mo talagang naririto si Ivan," akusa niya. Napalatak ito at tumingin sa kanya. "Hindi ko maintindihan kung bakit ka umaakto ng ganyan, Maze. Yes, I admit. I want Ivan to stay here because I've missed him. There are many things we need to catch up on. Besides, siya lang

