Nakatanaw siya sa labas ng opisina at pinagmamasdan ang mga sasakyan na dumadaan sa harapan ng kanilang hotel. Hindi matraffic ngayon dahil alas dos na ng hapon. Humalukipkip siya at napabuntong-hininga. Kanina sa meeting ay halos wala siyang naiintindihan sa mga pinag-uusapan. Nasa isip pa rin niya ang nangyari sa pagitan nila ni Mason noong nakaraang gabi. Napahawak siya sa tapat ng dibdib dahil sa lakas ng kabog niyon. Nang iwanan siya ni Mason nang gabing iyon ay umiyak siya nang umiyak. Nagulat kasi siya talaga siya sa inakto nang binata and at the same time, may takot din. Tila kasi nawala ito sa sarili nang hawakan nito ang kanyang katawan. Lagi naman siya nakikita sa ganoong kasuotan at ni minsan ay hindi nito pinagkaabalahang sitahin siya o di kaya ay tignan ng maka-d

