"Hey, Dad," naramdaman niya ang paghaplos ni Violet sa likuran niya. "Something seems to be troubling you." Niyakap siya ng nobya at idinikit ang pisngi sa kanyang likod. "Ilang araw ka nang ganyan...." Hinawakan niya ang mga braso nito. "I am okay, Mine," inabot ng kaliwang braso niya ang nobya upang dalhin ito sa harapan niya. Agad naman itong tumalima at pumuwesto sa harapan niya. Ipinatong niya ang baba sa ulo nito matapos halikan. "Nami-miss ko lang ang mga bata," pag-amin niya dito. "I knew it, Dad," sumandal ito sa dibdib niya. "Ngayon ka lang napalayo nang ganito katagal sa mga bata kaya maninibago ka talaga," bumuntong-hininga ito. "Ako man, I miss them already. Hindi ko man lang sila nakasama. Kung bakit kasi kailangang umuwi sila nang maaga sa Pilipinas." "Mine, kah

