Aburido siya. Scratch that. Aburidong-aburido siya at ilang araw na iyon. Paanong hindi siya magiging ganoon? Kung hindi pa sinabi sa kanya ni Lexus na padating sa Pilipinas si Ivan ay hindi pa niya malalaman! At nang komprontahin niya si Louise ay hindi ito tumanggi nang akusahan niya na si Ivan ang rason kung bakit nagmamadali itong umuwi ng Pilipinas! Wala namang problema kung ito lang ang uuwi dahil fiance naman nito ang lalaki ngunit ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangang isama pa si Cameron at ang mga bata? Balak pa naman niya pagkagising na hilingin sa mga ito na manatili at nang makapamasyal pa ang mga ito. Magagawa kasi niyang masamahan ang mga ito habang nasa trabaho si Violet. At least kung naroroon ang mga anak ay tiyak na hindi siya mabuburyo nang ganito. Ti

