Elijah's POV: “Excuse me? Am I what?” Gulat na tanong ko tsaka inabot sa akin ni papa ang sulat. Nakalagay rito ang dating kasunduan ng yumao kong lolo. Hindi ko maiwasang mapamura gamit ang aking isipan. Ano namang kinalaman ko rito sa kasunduang ilang dekada na ang lumipas?! Bakit kailangan kasali pa ako?! “Ate! Yayaman na tayo-” “Manahimik ka nga Nathan, hindi ka nakakatuwa.” Sagot naman ng kapatid ko, si Yvone. Nagulat ako noong inagaw niya sa akin ‘yung sulat at tsaka inabot doon sa mga body guards or what. Hindi ko naman alam kung body guard ba ‘to o ano. “Mawalang galang na ho, pero hindi ho magpapakasal si Ate sa lalaking hindi niya naman ho kilala.” Matapang niyang sabi na ikagulat namin ng buong pamilya ko. Buong buhay namin, hindi pa natutong magsalita si Yvone nang pagali

