Elijah's POV: Hindi ko alam kung sign ba ‘to para pumayag sa kasal na ‘yon, pero biglang nagkasakit ng malala ang dalawa kong kapatid. Si papa naman, natanggal sa trabaho. At ako, maraming bayarin sa school. Alam ko namang kaya pa naming bayaran ang lahat ng ‘yon, lalo na‘t may ipon kami. Pero ang pangpapagamot kay Nathan ang masyadong mabigat. Sa hospital bill pa lang nilang dalawa ng bunso namin, ay siguradong masisimot ang ipon ko at ni papa. Hindi rin naman kasi ganoon kalaki ang sahod ko sa part time, at isa pa apat kaming magkakapatid. Mahirap kumita ng pera, lalo pa ngayong wala akong katulong dahil dalawang linggo na ring walang tumatanggap kay papa sa trabaho. Grabe naman, ang dami kong bayarin ngayon! What if maging bayaran na lang ako?! Nakakastress! 10 million is not a jok

