Elijah's Pov Shlt, shlt, shlt! Ano gagawin ko?! Nakailang mura na siguro ako sa isip ngayong araw. Hindi ko na alam ang gagawin ngayon. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang si Kenzie ang lalaking gustong ipakasal sakin?! At mas lalong nakakagulat na wala kaming imikan ngayon sa loob ng kotse! Para kaming hindi magkakilala kung umasta ngayon, eh nakita na namin ang kaluluwa ng isa't-isa! - A few hours ago "What are you doing here?" He asked me. Aba, ako pa ngayon?! Siya nga ang dapat kong tanungin! Anong ginagawa niya rito?! "B-Bakit? Ikaw! Ba't ka n-nandito?" Ah, tangina. Bakit ba ako nabubulol, e si Kenzie lang naman 'yan! "I was the first to ask, Eli." Tumingin siya sa mata ko. "May sakit ka ba?" "Wala!" Tanggi ko agad sa 'di malamang tono. Hindi ko alam kung natatakot ako o kinak

