Nahihiya naman siyang gisingin ito, marahil ay sa sobrang tuwa nito na virgin siya kaya napa I Love you. Tapos pag nagsawa na ay magtatago na ganun naman kadalasan ang mga lalaki. Mabuti sa umpisa tapos iiwan ka din naman sa huli. Lalo kung nagsawa na. Alam niyang may hangganan ang lahat kaya ayaw niyang magpaka kampante. Posibleng masaya sa una pero luluha sa bandang huli. Kaya dapat na maging handa sa anumang maging resulta ng lahat ng ito. Di rin naman kasi niya alam kung ano ang balak nito sa kanya lalo at may bata siyang di pwedeng pabayaan. Mayaman ang lalaki kaya mas malaki ang posibilidad na bukas e magbago na ito sa kanya. Kinabukasan mag isa nalang siya sa kama, ramdam niya ang pananakit ng katawan niya. Di niya mabilang kung ilang ulit may nangyari sa kanila ng nakalipas na g

