"Nakakakaba naman pumasok, parangkaylan lang yung Graduation day namen, tapos ngayon First year high school na ako."
Katulad nang ibang bata, excited si Aika na pumasok bilang high school student, pero ika nga ni Aika nakakakaba parin kasi bagong environment. Iba na din ang nga kaklase niya.
First Day High
Maagang nagising si Aika para maghanda.
"Ma! Papasok na po ako!"
"Aba anak masyadong maaga pa ahh, walking distance lang naman ang school niyo."
"Okay lang po, atleast mauuna po ako sa pila, tapos para din po mahanap ko kung nasaan yung room namin at makilala ko po ang mga bago kong ka klase."
"Osya! sige anak mag ingat ka palagi."
" Opo mama."
Naglalakad si Aika papasok nang campos nang mabunggo siya nang isang lalaki dahil nagmamadali ito.
"Aray ko po!"
"Ay bata! Sorry!"
Ay grabe naman to si kuya maka bata.
Agad hinanap ni Aika ying room nang section niya.