Dream Girl/ Puppy Love
Isang simpleng bata lamang si Aika kahit na ang kanyang pamilya ay kilala sa kanilang lugar. Siya ay mabait at matalino kaya siya ay laging nabibilang sa higher section. Kilala din siya sa kanilang paaralan dahil siya ay laging kasali sa mga patimpalak at di maitatago na napaka gandang bata ni Aika.
Grade 3 palang si Aika crush na crush siya ni Mike Ruis na nasa ikaanim na baitang. Katabi lamang nang classroom nila Mike ang classroom nila Aika.
"Oy Mike ayan ka nanaman sa classroom nang grade 3 ahh " Kalabit ni Dexter kay Mike na nakasilip nanaman sa classroom nang grade 3.
"Naku storbo ka naman Dexter, my tinitingnan lang ako" inis na sambit ni Mike kay Dexter. "Kita mo yung batang chinita na nasa front seat nang 3rd row?"
"Nakuuuu ikawwww Mike ha bata pa yan, saan ba??"
"Yun oh yung kumakain nang sandwich"
"Halaaa si Aika yan anak nung teacher natin sa PE ang cute niya talaga noh, isusumbong kita kay sir Larsen!" sabay batok ni Dexter kay Mike at naghabulan ang dalawa.
Sa sumunod na mga araw naisipan ni Mike na sulatan si Aika.
Hi Aika,
Ang cute mo. Pwede ba kitang maging kaibigan?
Pero kung ayaw mo okay lang naman. Gusto ko lang
talaga maging magkaibigan tayo.
Mike
"Pssst, pakiabot naman to kay Aika Larsen oh" Kalabit ni Mike sa batang lalaki na nakatayo sa pintuan nang classroom nila Aika. PAgkaabot ni Mike sa sulat agad siyang tumakbo papalayo.
"Aikaaaaaaaaa" Sigaw nung batabg inabutan nang sulat.
"Ano ba yan Roben? Ingay mo."
"Ako maingay? Eto my nagpapaabot sayo"
"Hala? Sino?"
"Ewan pagkaabot niya niyang tumakbo na siya."
"Ohh?" Binuksan ni Aika ang papel at nabasa ang nasa loob neto. Dahil ang bata pa nga ni Aika natakot siya na baka makita eto nang Papa niya. Agad niya itong itinapon.
"Hala Aikss ano yun? ba't mo tinapon? Tanong ni Jasmin beastfriend ni Aika."
"Ewan ko Jas, tinapon ko baka makita ni papa lagot ako." Sagot ni Aika kay Jasmin.
Kinabukasan...
Nakita ni Mike yung batang inabutan niya nung papel para kay Aika.
"Oy bata, naiabot mo ba kay Aika yung sulat?"
"Po? opo tapos tinapon niya agad." Bakas ang lungkot sa mukha ni Mike nung marinig ang sagot nang bata.
"Huy tol! " Sabay batok ni JR kay Mike "
Para kang pinagsakluban nang langit at lupa ahh bata pa yun! Hahahah!" Sabay sabay na tumawa ang mga barkada ni Mike.
Recess time at nakita ni Mike si Aika nakaupo sa canteen kasama ang isa pang bata na si Jasmin. Laging nakikita ni Mike na hilig bumili ni Aika nung teg limang piso na Spaghetti at buko juice. Naisipang bumili ni Mike nang Spaghetti at Buko Juice. At nung mapabaling ang tingin ni Jasmin sa gawi niya, sinenyasan niya itong lumapit sa kanya. At lumapit naman ni Jasmin sa kanya.
"Bakit po kuya?" Tanong ni Jasmin kay Mike.
"Eto ohh Spaghetti at Buko Juice pakiabot kay Aika" Pagka abot niya dito ay agad nanaman siyang tumakbo.
"Aikaa! Aika!" Nagsisisgaw na pabalik sa kanyang kinauupuan si Jasmit bitbit ang bigay na Spaghetti at buko juice na para kay Aika.
"Oh? Bakiiit? Bumili ka nanaman nang snack?"
"Hindiiii Aika my kuya na nagpapabigay sayo neto, di ko natanong ang pangalan kasi tumakbo na siya , pero makikilala ko ang mukha niya pagmakita ko siya ulit!"
"Oh talaga? Naku bakit naman siya magbibigay nang pagkain marami pa naman akong pagkain."
" Ewan ko nga sakanya, pagkabigay niya nagmamadali siyang tumakbo."
" Ay sabi pa naman saatin diba Jas huwag tatanggap nang pagkain lalo na pag di natin kilala? "
"Pero Aiks, mukha namang mabait si kuya eh, pero oo baka nga lalo di pa natin siya kilala."
"Pero amo gagawin natin sa pagkaing eto? Sayang naman"
"Oo nga, diba Aiks paborito mo naman yan? Tikaman nalang natin."
"Hmmmm busog na ako eh, hmm ibigay nalang kaya natin dun sa Lola nanakatira malapit dito sa school?"
"Oo Aiks! Tiyak matutuwa si Lola niyan!"
Agad na umalis ang dalawa palabas nang campus nila. Katabi nang kanilang paaralan ay may Isang matandang babae na nagbebenta nang santol naging kaibigan eto nang dalawang bata dahil minsan doon sila tumatambay pag gusto nilang kumain nang santol o hilaw na mangga na minsan namang binibenta nang matanda. Malayo palang ang dalawa nagsisisigaw na ang mga to;
"Lolaaaa, Lolaaaa" Sabay na sigaw nang dalawa.
"O mga bata malapit na matapos ang recess niyo ah ba't lumabas pa kayo?"
"Lola po kasi may manliligaw si Aikaa--" Binatukan ni Aika si Jasmin
"Ara--y" "Manliligaw??"
"Naku lola huwag po kayo maniwala jan kay Jasmin"
"E kasi lola may nagbigay sakanya nang Spaghetti tsaka buko juice na lalaki, di ba nanliligaw yun?"
"Nakuu mga bata kayo, ang babata niyo para jan, huwag kayo magpapadala sa mga lalake sa mga bigay bigay na yan, mga bata pa kayo marami pang dadating na para sainyo huwag kayong magmadali."
"Opo lola, kaso busog na po kame sainyo nalang po namin ibabagay tong pagkain baka po masayang."
"Ang babait niyo talagang mga bata, salamat ."
"Osyaaa po lola balik na po kame kaagad sa room namin."
"Osige, mag ingat kayo at huwag kayong magtatakbo jan baka madapa kayo."
"Opooooo!!! Paalam" Sabay na sambit nang dalawang bata.
Nakita ni Mike ang ginwa nila Aika at mas lalo siyang nalungkot. Isip niya na ayaw talaga ni Aika sa kanya. Tahimik na bumalik si Mike sa kanilang classroom.
--Mike's POV--
Nakaupo si Mike sa kanilang terrace pagkatapos maghapunan at malayo ang tanaw. At nakita siya nang kanyang Ama.
"Oh anak? Mukhang malungkot ka? My problema ba?"
"Ahh Papa, wala naman po." Sabay yuko.
"Talaga ba anak, kasi mukhang malayo ang iniisip mo?"
"Papa, bakit po kaya ayaw niya saakin?"
"Oh? Sino anak?"
"Kasi po, my batang babae na gusto kong maging kaibigan, kaso parang ayaw niya saakin."
"Paano mo naman nasabi na ayaw niya sayo?"
"Kasi po nagbigay ako nang sulat, itinapon daw sa basurahan, tapos kanina po nagbigay ako nang spaghetti at buko juice, ibinigay nya po sa iba."
"Ikaw yung nag-abot nung sulat at pagkain?" "Hindi po papa, pinaabot ko lalng kasi po nahihiya ako."
"So bali, hindi niya alam na galing sayo?"
"Uhmm parang ganun po."
"Ehh ba't mo nasabing ayaw niya sayo?, Baka kasi itinapon niya ang sulat at ibinigay sa iba yung pagkain kasi di niya kilala kung kanino galing."
"Siguro nga ganun po Papa."
"Kaya huwag ka nang malungkot anak, makipagkaibigan ka sa personal."
"Hmmm sige lang po Papa hahanap nalang po ako nang magandang pagkakataon."
"Ba't mo siya gustong maging kaibigan?"
"Kasi po Papa, nakikita ko mabait siya, tapos matalino sobrang talented po, nanalo siya sa mga contest sa school kahit Grade 3 lang siya at yung mga kalaban niya Grade 5 & 6, tapos magaling kumanta at sumayaw at bukod doon Daddy chinita maputi, ang cute niya po tlaga."
"Ahhh taga hanga ka niyaaa"
"Opo Daddy siya po yung tipo nang gusto kong maging girlfriend po."
"Naku anak, sobrang bata mo pa, hanga ka lang sa kanya ngayon, pero alam mo ba magbabago din yang pagtingin mo sakanya kalaunan?"
"Hmmm sa palagay ko hindi Daddy, siya na talaga ang Dream girl ko."
"Halika nga dito anak, ang laki mo na talaga. Pero anak, marami ka pang pag dadaanan, marami ka pang makikilala."
After 2 weeks...
Nung nakaraang mga araw iniwasan ni Mike na makita si Aika. Papalapit na ang sportfest nang Echtus Christian School kung saan nag aaral sila Aika. Nagkataong napadaan si Mike sa list of groupings for the sportsfest, bigla syang napanganga nung nakita niya kagroupo din nila yung section nila Aika. Naexcite si Mike.
"Naku! pagkakataon ko nang makalapit kay Aika!"
Kalaunan tiningnan ni Mike yung mga list nang contests at yung mga naglista nang kani kanilang pangalan sa baba upang salihan nila. Una nyang tiningnan yung drawing contest wala duon ang pangalan ni Aika, sa singing wala din, pagkatingin niya sa lista nung sa dance contest nangunguna ang pangalan ni Aika. Sampo lang ang dapat na kasali bawat groupo at isa nalang ang kulang, agad na nakipag tulakan si Mike.
"Teeekaaaaa, wait! wait!" sabay agaw sa ballpen nang last na lilista sana nang pangalan niya.
"Opppsss ano ba yan Mike! Dahan dahan naman, ako yung nauna dto eh." Biglang sigaw ni Harry na siya sanang susulat nung pangalan niya. Nung nakita sila nang P.E. teacher na si Mr. Larsen.
"Oh, mga bata ano yan?"
"Sir, si Mike po kasi ako po ang nauna dito na maglilista nang pangalan ko."
"Oh Mike bakit naman?" Nangangatog si Mike at si alam ang isasagot.
"Si-sir?? Ano po kasi, wa-wala pa po A-akong nasalihan."
"E ikaw Mister Rodriguez wala ka padin bang nasalihan?"
"A-ano po sir, naglista din po ako sa choir contest."
"Ayun naman pala e, e di ibigay mo na nang slot na yan kay Mr. Sy."
"Uhmm sige po sir, si-sige Mike sayo na yan," Sa sobrang tuwa ni Mike bilisan niyang inilista ang Pangalan niya.
"Annoncement! Next week Monday magsisimula ang practice nang bawat groupo for the Dance and choir contest, bawat groupo my naka talagang Leader na siyang magpapasya kung saan at anong oras ang inyong ensayo, basta't laging tatandaan na sa mga bakanteng oras lamang pwedeng mag ensayo at hinding hindi pwede sa gabi, Magandang araw sainyong lahat." (Sound from the speaker)
Kumakalabog ang dibdib ni Mike noong narinig niya ito. Sobrang excited siya dahil makakasama niya si Aika sa groupo.
Dumating ang araw nang Lunes. At mag uumpisa na ngang magensayo ang bawat groupo para sa darating na sportfest.