Fiesta ngayon dito sa Sagrada kaya naman kasabay noon ay ang pagpapabinyag nila sa bunso nilang anak na si JM. Gusto kasi ng asawa niyang si Chloe na pabinyagan ang kanilang bunso kagaya ng nakaugalian ng mga tao rito na isinasabay sa fiesta ang pagpapabinyag. Kung tutuusin ay puwede nilang gawin na pribado ang pagpapabinyag sa bunso nila pero tutol ang asawa niya. Kailangan daw nilang sundin ang nakagawian na nila bilang paggalang sa lugar. Katatapos lang ng binyag ni JM kaya ang lahat ng mga ninong at ninang ay dumeretso na rito sa bahay nila para kumain, uminom at magkuwentuhan. Pinagmasdan niya ang asawa niya habang nakikipag-usap sa mga bisita nila. Ipinahawak muna kasi nito si JM sa kaniya para asikasuhin ang mga bisita nila. Alam niyang pagod na ito pero kitang-kita niya ang t

