"Baby," pukaw ni James sa asawa niyang si Chloe habang nakahiga silang dalawa sa kama. "Sana ganito pa rin tayo kahit matanda na tayo, 'no?" Tumagilid ng higa ang asawa niya at yumakap ito sa baywang niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Na sana kahit lagi kang galit sa akin, sa huli ay nagkakabati pa rin tayo." Pinaikot nito ang eyeballs nito. "Anong laging galit? Hindi naman ako magagalit sa 'yo kung tama 'yang mga ginagawa mo, eh." "Tama naman ang mga ginagawa ko, ah. Kahit kasi maliit na bagay lang ay nagagalit ka kaagad sa akin. Minsan nga kahit wala akong ginagawa nagagalit ka pa rin, eh." "Ano ako baliw para magalit ng walang dahilan? Iniinis mo kasi ako kaya ako nagagalit sa 'yo." "Pakiramdam ko tuloy hindi mo na ako mahal," aniya pero sa isip niya ay natatawa siya. "Pagkatapos

