Episode 31

1928 Words

"Mang Eddie, kumusta po?" Maagang pinuntahan ni Chloe ang matanda para sabihin dito ang magandang balita. "Ikaw pala 'yan, Hija. Ano'ng sadya mo?" nakangiting tanong nito sa dalaga. "Malapit na po ang pasukan, 'di po ba? Gusto ko lang po sanang ipaalam sa inyo na puwede niyo na pong i-enroll ang mga anak niyo sa bagong eskuwelahan doon sa bayan. Wala po kayong babayaran dahil sasagutin ko po ang lahat ng gastos hanggang sa makapagtapos po ang mga anak niyo," masaya niyang balita sa matanda dahilan para tumulo ang mga luha nito sa mata. Mahigit isang taon din ang ginugol niya bago natapos ang ipinatayo niyang eskuwelahan sa bayan. Gusto niya kasing matulungan ang mga kagaya ni Mang Eddie na hindi kayang tustusan ang pag-aaral ng mga anak dahil sapat lang naman ang kinikita nito. "Mar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD