Episode 4

1842 Words
Pag-uwi ni Chloe sa kanilang mansiyon ay wala sa loob na binuklat-buklat niya ang dokumento na kanina niya pa hawak-hawak. Pakiramdam niya ay nasasabik siya sa paghaharap nila ng mga taong nagsanla ng lupa sa daddy niya. "'Nay," tawag niya sa kanyang yaya. "Anak, bakit? May kailangan ka ba?" tanong nito sa kanya. Mukhang nagluluto ito dahil nakasuot pa ito nang apron. "Magpapaalam lang po ako sana ako, 'Nay. Aalis po muna sana ako bukas may pupuntahan lang po ako. Siguro po mga isang linggo po akong mawawala." Tiningnan siya nito nang may pagtataka. Sino ba namang hindi magtataka sa naging pahayag niya? Eh, simula't sapol alam nitong nananatili lang siya sa mansiyon nila o 'di kaya'y sa opisina n'ya. "Eh, 'di maganda at nang makapagbakasyon ka, Anak. Para naman hindi ka isip nang isip at para mag-enjoy ka naman kahit papaano," tugon nito na ikinagulat niya. Ngayon lang kasi siya nito pinayagan dahil lagi nitong sinasabi na baka daw kidnap-in siya o kaya naman baka raw rape-in siya sa daan. Kaya tuloy sa tuwing umaalis siya ay lagi itong nakabuntot sa kanya kahit pa nga mayroon na siyang personal driver at bodyguards. "Hindi n'yo po ba ako tatanungin kung saan po ako pupunta?" Umiling ang matanda. "Matanda ka na. Alam mo na rin ang tama at mali. Huwag mo akong alalahanin, Anak. Basta lagi kang mag-ingat kung saan ka man pupunta. Alagaan mo ang sarili mo at 'wag kang magpapalipas ng gutom," paalala nito sa kanya. "Bumalik ka dito ng buo at walang galos dahil kung hindi kukurutin ko 'yang singit mo. Naiintindihan mo ba ako, ha, Chloe?" Napansin niyang medyo naluluha ito habang nagbibilin sa kanya sa mga bagay na dapat niyang gawin. Kagaya niya ay hindi rin kasi ito sanay na wala siya sa tabi nito. "Opo, 'Nay. Mag-iingat po ako palagi. Kaya dapat po kayo din mag-ingat po kayo rito, ha? I love you, 'Nay." Hindi pa man siya nakakaalis ay nag-iiyakan na silang dalawa. Paano pa kaya kapag totoong aalis na talaga siya? "I love you too, Anak. Kumain ka muna at pagkatapos ay matulog ka na. Dahil maaga 'ka mo na aalis bukas, 'di ba? Aba'y matulog ka nang maaga para hindi ka antukin sa biyahe mo." "Opo." Nakita niyang lumuluha na ito kaya naman tumalikod na siya kunwari may hinahalungkat siya sa kanyang cabinet. Ayaw na ayaw niya kasi itong nakikitang lumuluha dahil 'yon ang kahinaan niya. Pakiramdam niya kasi unti-unti sinasaksak ang puso niya sa tuwing nakikita itong lumuluha. "Mauna na po kayo sa baba, 'Nay. May aayusin lang po ako at pagkatapos po at susunod na rin po ako sa inyo." "Dalian mo, ha. Ipagtitimpla kita ng gatas kaya dapat mainom mo 'yon habang mainit-init pa." "Opo, susunod din po ako kaagad." Kinagabihan ay nag-impake na siya ng mga dadalhin niyang gamit para sa pagpunta niya sa probinsya. Uunahin niyang puntahan ang nagngangalang James Roxas. Nabanggit din ng kanilang abogado na may bahay daw ang namayapa niyang ama sa maliit na barrio sa Sagrada. Kaya naman doon muna siya pansamantalang tutuloy. Puwede raw siyang manatili roon hanggang sa makausap niya ang taong pakay niya. Habang bumibiyahe si Chloe hindi niya maiwasang hindi mamangha sa kanyang mga nadadaanan dahil halos palayan ang mga ito. Na para bang ang sarap manirahan sa ganoong lugar na malayo sa siyudad. Tahimik at presko ang simoy ng hangin. Malayo sa mga tao at malayo sa gulo. Kung nabubuhay pa sana ang mga magulang n'ya yayayain niya sana ang mga ito na magbakasyon. Para kahit papano malibang ang mga ito at hindi puro nalang trabaho ang nasa isip. Marahas siyang napabuntong-hininga. Ipinilig niya rin ang kanyang ulo at pilit na idinidirekta sa ibang bagay ang kaniyang isip bago pa uli siya sakupin ng kalungkutan. Malapit na sana siya sa kaniyang pupuntahan nang biglang huminto ang sasakyan niya. "Kapag minamalas ka nga naman!" naiinis n'yang bulong sa sarili. Bumaba siya sa sinasakyan niya para tingnan ang hood nito. "Miss, may problema ba?" usisa ng isang binatilyo. Marahil nakita nito ang sitwasyon niya na kanina pa siya palinga-linga. "Kuya, saan po kaya may malapit na talyer dito?" tanong niya habang nakatingin sa sasakyan niya. "Medyo malayo ang talyer dito, Miss. Ano ba'ng sira ng sasakyan mo?" "Hindi ko po alam, eh. Bigla nalang kasi itong huminto," sagot niya. "Gano'n ba? Kung gusto mo 'yong taong kilala ko na lang. May alam din sa pag-aayos ng sasakyan 'yon at saka hindi gaanong mahal ang singil niya," tugon ng batang binatilyo. Napangiti s'ya sa sinabi nito. "Ayos lang po ba kung tawagin mo 'yong taong sinasabi mo? 'Wag 'ka mo siyang mag-alala dahil magbabayad po ako ng malaking halaga. Nagmamadali na rin kasi ako eh," pagsusumamo niya dahil baka gabihin na siya sa daan lalo na't hindi niya kabisado ang lugar. "Sige, Miss, walang problema. Saglit lang at tatawagin ko lang s'ya," pagpapaalam nito pagkatapos ay tinalikuran na s'ya nito at naglalakad na ito palayo. Mayamaya ay dumating na rin kaagad ito at may tatlo na itong kasama ngayon. Pero naagaw ang pansin niya sa pinakahuling dumating dahil ito ang pinaka guwapo sa mga ito. He had a straight nose, a square jaw and jet black eyes at marahil batak ito sa trabaho dahil ang laki ng pangangatawan nito. Bumilis din ang t***k ng puso niya habang tinititigan niya ito palapit sa direksiyon n'ya. Wala sa sariling kinapa niya ang dibdib. Why does she need to feel this while looking at that man? "Miss, s'ya 'yong sinasabi ko sa 'yo," pagmamalaki ng taong nakausap niya kanina. Itinuro nito ang lalaking pinakaguwapo sa lahat na seryosong nakatingin sa kaniya. Napatikhim tuloy s'ya nang wala sa oras dahil nakunot na ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. "Ahm, gano'n ba?" Nginitian niya ito ng matipid at pagkatapos ay binigyan n'ya rin ito ng daan para matingnan na ang sasakyan n'ya. "Anong problema ng sasakyan mo, Miss?" tanong ng guwapong binata na kanina n'ya pa tinititigan. "I don't know. Ahm, can you check on it? Bigla na lang kasing huminto, eh." Halos malunok niya ang sariling laway nang tumitig ito sa kaniya. "Okay, I'll check it first," walang kangiti-ngiti nitong pahayag sa kaniya kaya naman napanguso siya. "Thanks." The guy looked so damn adorable! Matapos ang halos kalahating oras ay natapos na ito. "Miss, ayos na 'yong sasakyan mo. Puwe–" Pinutol niya ang mgs sasabihin pa sana nito at tinanong niya kung magkano ang serbisyo nito. "How much?" pormal n'yang tanong sa lalaki. "What?" Gulat itong napatingin sa kaniya. Marahil hindi nito inaasahan ang sasabihin n'ya. "Bingi ka ba? Ang sabi ko magkano ang serbisyo mo?" tanong niya na may halong pang-iinsulto. Sa mundong ginagalawan niya halos lahat ng tao ay may katumbas na halaga. Nakalimutan niyang hindi pala dapat siya magpadala sa hitsura ng isang tao. Maliit man o malaki ang pabor na nagawa sa kaniya ng mga taong nakapaligid sa kaniya ay tinutumbasan n'ya ng malaking halaga. Gano'n ang paniniwala niya dahil 'yon ang kinalakihan niya. "Libre na lang para sa 'yo dahil wala namang gaanong sira ang sasakyan mo," wika nito sa malumanay na tinig. "I insist! Pagkatapos mong maghirap ayaw mong tumanggap ng bayad? Unbelievable!" hindi makapaniwalang saad niya rito kaya tinaasan siya nito ng kilay. "Dito sa lugar namin kapag may nangangailangan ng tulong tinutulungan namin ng bukal sa loob. Tumutulong kami ng bukal sa loob at hindi kami nanghihingi ng kapalit." Dahil sa sinabi nito medyo naantig siya ng kaunti Pero hindi siya gaanong kumbinsido dahil lahat ng tao sa paligid niya ay mapagkunwari. Mabait lang sa una pero ipagkakanulo ka sa bandang huli. "Fine! Kung ayaw mo wala akong magagawa pero ayos lang ba na kahit pangmeryenda n'yo ay tanggapin mo? Kahit hindi na para sa 'yo, sa mga kasama mo na lang," pamimilit n'ya lalo na't hindi siya sanay sa mga ganitong sitwasyon. Napilitan naman itong tumango habang sinasabunutan ang sarili. "Bahala ka! Kung 'yan ang gusto mo," napipilitan nitong pahayag sa kaniya. "Here!" Inabutan n'ya ito ng sampung libo pero parang ayaw nitong kunin iyon. Kaya naman siya na mismo ang kumuha ng kamay nito at nilagay niya sa palad nito ang pera. "Take it! Ibili n'yo ng pangmeryenda n'yo." "Pangmeryenda lang 'to?" gulat nitong tanong habang nakatulala sa hawak nitong pera. "Kulang pa ba?" tanong niya sa mga ito pero nakita niyang nagpalitan ang mga ito ng tingin. Okay, fine! Kulang nga siguro. "Here." Dinagdagan niya ulit ng sampung libo at iniabot n'ya ulit sa lalaking na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Goodness! Ngayon lang ba ito nakakita ng pera sa buong buhay nito? "Ang ibig kong sabihin, sampung libo pang meryenda lang namin? Ang laki naman nito! Kahit nga isang daan sapat na sa amin, eh. Masyadong malaki 'to, Miss!" anito kapagkuwan na halos nanlalaki pa ang dalawang mata nito. "Just take it! Hati-hati nalang kayo. Kung ayaw mo, ipamigay mo na lang sa mga kaibigan mo. Just don't give it back to me." "Pero, Miss, sobrang laki ni–" Pinatigil niya ito sa pagsasalita sa pamamagitan ng pag-angat ng palad n'ya sa ere. "Sige na, aalis na ako mga, Kuya. Salamat sa tulong n'yo," pagpapaalam niya sa mga taong tumulong sa kaniya. "Especially you. Thank you, too!" Baling niya sa guwapong binata na nag-ayos ng sasakyan niya. Tinanguan naman siya nito. "Salamat, Miss, Ikaw din mag-iingat ka!" sigaw ng lalaking una niyang nakausap kaya naman napalingon siya rito. Nakangiti ito nang malapad sa kanya samantalang ang mga kasama nito ay tulala pa rin hanggang ngayon. Habang nagmamaneho s'ya papalayo hindi niya maiwasang hindi lumingon sa side mirror ng sasakyan niya. Para kay Chloe Madrigal lahat ng bagay ay may katumbas na halaga. Lahat ay may kapalit at alam na alam niya 'yon at hindi rin siya naniniwala sa kusang loob. Alam na alam niya na ang mga galawan ng mga tao sa mundong kinabibilangan niya. Kapag wala kang pera wala kang kaibigan. Walang kamag-anak at walang magmamahal sa 'yo. Pero kung mapera ka halos sambahin ka nang lahat. Kulang na lang ay sambahin ka nila. Ito rin ang dahilan kaya marami ang nagtatangkang ligawan siya para mapaibig. Pero lahat ng 'yon ay tinanggihan niya dahil alam niyang yaman niya lang ang habol ng mga ito sa kaniya. Kaya sa edad na dalawampu't limang taon ay wala pa siyang nagiging nobyo. Pero kanina, kakaiba sa lahat 'yong lalaking tumulong sa kanya dahil ayaw nitong tumanggap ng bayad mula sa kanya. O, baka naman isang pagkukunwari lang ang ipinakita nito sa kaniya. Siya kasi 'yong taong hindi naniniwala sa malasakit kagaya ng sinasabi ng lalaking nag-ayos ng sasakyan niya. Bata pa lang siya ay lagi ng pinapaalala ng kanyang ama na 'wag maniniwala basta-basta sa mga taong nakapaligid sa kaniya. 'Wag na 'wag paiiralin ang emosyon dahil iyon daw ang magdadala sa kaniya sa kapahamakan. Kaya naman nakatatak na 'yon sa isipan niya at nakatanim na rin sa puso niya. Ang katagang 'Trust no one' ay lagi niyang isinasabuhay dahil puwedeng kaibigan mo sila ngayon pero bukas ay mortal mo nang kaaway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD