"I will count on three, Jessa. Kapag hindi niyo inilabas ang mag-aama ko papatayin ko kayong lahat dito," pagbabanta ni Chloe sa mga ito. "One, two, thr–" Hindi niya pa tapos ang pagbibilang nang lumabas ang anak niyang kambal na takot na takot. "Mommy!" tawag sa kaniya ni JC habang may luha sa mga mata nito. Si JL naman ay nakapamulsa habang prenteng nakatayo sa entrance ng isang pinto. "Mga anak!" Lumapit siya sa mga ito at niyakap niya ang dalawa ng mahigpit. "Mommy, what are you doing? tanong ni JC sa kaniya. "Why are you holding guns?" "Nasaan ang ama niyo?" tanong niya sa kambal. "Nasa loob po kasama si Tito Ninong Pogi." "Pumunta na kayo sa loob ng sasakyan at hintayin niyo ako roon!" utos niya sa kambal habang ang mga baril niya ay nakatutok kay Jessa. "Mommy, ano po ba an

