"James!" Halos mabingi siya nang sagutin niya ang tawag ni Chloe. "Saan ka na ba? Anong oras na, ah? 'Di ba may usapan tayo? Ang sabi ko sayo sabay tayong kakain ng almusal palagi, 'di ba? Eh, bakit wala ka pa? Kanina pa kita hinihintay dito pero hanggang ngayon wala ka pa rin." Simula nang gumaling ito mula sa pagkakasakit ay bumalik na naman ito sa pagiging maldita. Kawawa talaga ang mapapangasawa nito kapag nagkataon. "Papunta na ako riyan kaya 'wag ka ng sumigaw, puwede ba? Baka mamaya isipin ni Aling Berta may kaaway ka dahil sa lakas ng boses mo." "Bilisan mo na nga kasi!" pabulong nitong saad pero may diin. "Huwag mo akong paghintayin ng matagal dahil kanina pa ako nagugutom. Pagdating mo rito dumeretso ka na kaagad sa kusina at magluto ka na ng almusal nating dalawa!" dugtong

