Napangiti si Chloe nang mabungaran niya ang guwapong mukha ni James. Siguradong napuyat ito kagabi sa pagbabantay sa kaniya. Kapag gumaling na siya siguradong babalik na naman sila sa dati. Magsusuplado na naman ito kaya siguradong magbabangayan na naman sila sa huli. Kalaunan ay nakaramdam siya ng uhaw kaya maingat niyang inalis ang mga braso ni James na nakayakap sa baywang niya. Hindi naman na gaanong masama ang pakiramdam niya hindi kagaya kahapon na halos manginig siya dahil sa taas ng lagnat niya. Maingat siyang humakbang para hindi makagawa ng anumang ingay dahil baka magising ito. "Saan ka pupunta?" tanong ni James bago pa man siya makalabas ng pinto. "Iinom lang ako ng gatas sa ibaba," tugon niya ng hindi ito nililingon. Naramdaman niyang bumangon ito mula sa pagkakahi

