"Nanay Lucy, nasaan po pala si James?" magalang na tanong ni Chloe sa Yaya niya. "Saan po ba nagpupunta ang lalaking 'yon? Hindi man lang po kasi siya nagpaalam sa akin, eh." "Nandoon siya sa ilog. Kasama niya si Troy at ang kambal niyong anak," tugon nito habang nagwawalis ito sa sala. "'Di ba siya nagpaalam sayo?" Umiling siya. "Sa akin nga nagpaalam sila na aalis na muna, eh." "Nanay, gutom pa po ako," saad niya sa matanda habang hinahaplos ang tiyan niya. "Kakakain mo lang, ha! Katatayo mo nga lang galing sa lamesa, eh. Baka mamaya maimpatso ka naman sa ginagawa mong niyan, Anak." "Gutom na gutom pa po ako, 'Nay. Kahit anong kain ko po parang hindi po ako nabubusog." Tumigil ito sa ginagawa at binalingan siya. "Ano ba iyang tiyan mo 'yan, Anak? Hindi ka pa nga yata natutunawan,

