"Miss Beautiful…" Napahinto si Chloe sa tangkang pag-akyat sa kuwarto niya nang marinig niya ang tinig ni Andy kaya mabilis niya itong nilingon. "Ayos ka lang ba? Sumakit ba ang anit mo dahil sa ginawa sayo ng mama ni Jessa?" concern nitong tanong sa kaniya habang malungkot ang hilatsa ng mukha nito. Pinilit niyang ngumiti para ipakita rito na ayos lang siya kahit medyo makirot ang anit niya. "Ayos lang ako kaya 'wag kang mag-alala. Teka, bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka ba?" "Wala naman. Gusto ko lang i-check kung maayos kang nakauwi kaya sinundan kita. Nakita ko kasing ang bilis ng patakbo mo sa sasakyan mo, eh." "Salamat sa pag-aalala, Andy. Isa ka sa itinuturing kong totoong kaibigan. Ayos lang ako kaya 'wag kang masyadong mag-alala." "Nag-away ba kayo ni James?" usisa

