Simula nang umalis si Chloe ay hindi na ito muli pang nakita ni James. Lumuwas siya ng Maynila at sinubukan niya itong hanapin pero kahit isang impormasyon mula sa dalaga ay wala man lang siyang nalaman. Tinanong niya rin si Aling Berta sa pag-aakalang may makukuha siyang impormasyon pero bigo siya. Wala rin daw kasi itong alam tungkol sa buhay ng dalaga. Dalawang buwan na simula nang umalis si Chloe rito sa baryo nila pero pakiramdam niya ay isang taon na simula nang umalis ito. "Pare!" tawag sa kaniya ni Lito. Nasa likod nito si Andy na tahimik lang na nakasunod. Simula nang umalis si Chloe ay naging malamig na rin ang pakikitungo ni Andy sa kaniya. Ang dating Andy na masayahin at loko-loko ay naglaho na. Hindi na rin sila madalas na magkita-kita dahil nagtatrabaho na ang m

