Matagal nang mag-tandem ang mag-asawang si Mariella at Benedito. Ang katotohanan kung paano silang naging mag-asawa at nagkaanak ay dahil sa kaisipang gusto nilang magaya ang urban legend. Tinawag itong urban legend, dahil wala silang kasiguraduhan, ang laboratoryo nila na totoo nga ang eksperimento ni Melissa. Kilala nila ito, minsang nagtrabaho iyon sa laboratoryo nila, at nang mga panahong iyon ay mas matanda silang dalawa ni Benedito. Naaalala niya kung paano ito pinupuri ni Priyanka sa bawat gawin nito, at hindi nila maikakaila ni Benedito ang inggit na nararamdaman nila nang dahil doon. "You are using the wrong formula." Si Mariella iyon na kapapasok lang sa laboratoryo, naabutan doon si Melissa ba sa tingin niya ay gumagawa ng fertilizers para sa mga halaman. Isa din siya sa n

