Kay ganda ng sikat ng araw para sa siyudad. Wala naman sa plano ni Erena na ipagupit ang mahaba niyang buhok. Talaga lang na isa iyon sa pinaka mabisa para hindi siiya maalala kaagad. Hindi rin nasa plano na ngayon niya ito gagawin, pero nauubos na ang oras , at hindi niya rin naisip na magiging ganito kaaga. Sa kabila ng lahat ay hindi niya kayang pabayaan na lang si Skyler, lalo pa at nakikita niya ngayon ang sarili nya rito. Matapos mag-commute ay nakarating sila sa pinakamalapit na parlor. Kaagad silang binati nang naroon. Pumasok sila sa loob at kaagad na iminuwestra ng isa sa naggugupit ang counter kung saan naroon ang mag-a-assist sa kaniya. "Sino po ang magpapagupit?" anang bakla, magalang at magiliw ang paraan nang pagkakabati sa kaniya. Nilingon niya si Skyler na pinapaupo

