NAKARATING si Skyler at ang kaniyang Commander sa puwesto nila Erena, isang metro ang layo mula sa mga ito. Hindi sila gaano makikita rito kung hindi nila maiisipang gumalaw o mag-ingay.
Hindi niya inaasahan ang nakita. Ito ang Governor, kaharap sa kabilang panig ng daluyan ng talon sila Erena, Louie, Travis at Manang Tessing. Bahagya nilang naririnig ang pinaguusapan ng mga ito.
Mabilis pa sa alas-kuwatro silang nagkatinginan ng Commander.
Hindi maaari. Hindi puwedeng magawa nito kung ano man ang gustihin nila.
At naniniwala siya sa sinabin ng Commander na hindi magiging maganda kung mapupunta sa hindi mabubuting kamay ang chip na hinahanap ng mga ito.
"Huwag ka nang magtago, Chavez!" Boses iyon ng Governor. Wala sa kanila ang paningin, marahil ay wala pang ideya kung saan sila nakapuwesto.
Mula naman sa kanan niya ay naroon si Catalina na tila hindi makapaniwala sa nakikita. Maluha luha, hindi alam kung ano ang iaakto.
Mahal na mahal nito ang ama, hindi siguro makapaniwala dahil ni minsan ay hindi naman ito nagawaan nang masama ng Governor. Itinuring pa ito na tila isang prinsesa.
"D-dad..." tawag pa nito. "What is he doing?"
Marahan niyang hinagod ang likod ni Catalina para pakalmahin ito nang mapansin ang panginginig.
Sa totoo lang ay hindi niya ginusto na masaksihan ni Catalina ang ginagawang ito ng ama.
"Nakikita mo iyan, Catalina?" Ang Commander. Nanatili ang pagkakahawak nito sa balikat, iniinda pa rin ang tama ng bala sa bandang roon. "Ang ama mo, nais patayin ang anak ko. Your Dad has no remorse or empathy, kid. Kahit na may anak na babaeng kagaya mo, nakakaya pa ring maisip ng pumatay ng anak ng isang ama."
Napayuko siya. Hindi niya makontra ang Commander dahil iyon naman ang totoo. Isa pa, alam niya namang ipinapamulat lang nito kay Catalina ang katotohanan.
At maging si Catalina, hindi nalabanan ang mga salitang iyon. Tila mas piniling hindi na lang labanan.
"Tara na." Iika ikang naglakad ang Commander.
Kaagad niya namang hinila si Catalina paupo sa isang puno na may makapal at malawak na katawan.
"Dito ka muna. Delikado, kaya huwag kang lalabas. Naiintindihan mo ba ako?" anang niya.
Nakatulala namang sumunod si Catalina. Naroon ang naudlot na luha, nakatingin sa tuyong mga dahon na inaapakan matapos niyang dalhin at iupo sa parteng iyon.
"Pagkatapos ng lahat. Babalikan ka namin dito." Matapos sabihin iyon ay kaagad niyang tinakbo ang agwat nila ng Commander at sabay silang lumitaw sa senaryo.
Gulat si Erena, Louie at Manang Tessing nang makita sila, naroon naman ang dismayadong reaksiyon ni Travis.
Naroon ang helicopter sa likuran ng mga ito ngunit ang piloto niyon at ang isa pa nitong kasama ay hawak na ng mga tauhan ng Governor. Kapwa timututukan ng mga baril ng mga ito, naroon ang dalawa sa Governor, kaya naman ngayon niya napagtanto kung bakit hindi nakagalaw sila Erena at kung bakit hindi nakaalis ang helicopter.
Alam niyang hindi lamang siya ang nanlambot nang makita ang senaryong iyon, maging ang Commander nang akalain nilang maililigtas na si Erena nang marinig nilang ang helicopter kanina.
"D-daddy..." si Erena. Hindi niya maipaliwanag kung ginhawa ba o lumalang takot ang bukas sa mukha ni Erena nang makitang buhay ang ama nito. "Skyler..."
Mula sa mata ay kinausap niya itong magiging maayos lang ang lahat.
"Hindi ako nagkakamaling maisip na baka siyam ngang talaga ang buhay mo!" Nagawa pang magbiro ng Governor nang makita sila. "Ngunit tingin ko, sa tama mo ay nalalabi na lang nga ang oras mo, Chavez."
"Itigil mo na ito!" sigaw ng Commander. "Ilang ulit ko bang sasabihin na walang kahahantungan ang bagay na ito?!"
"Ibigay mo na ang hinihingi ko! Ano ba ang mahirap doon?! Ano pa bang gusto mong ipagdamot! Sige... dahil mahirap ka namang kausap." Sumeyas ang Governor sa mga kalalakihang nasa likuran nito.
Awtomatiko namang itinaas ng mga ito ang mga hawak na baril at mas itinutok pa sa kanila.
"Commander..." tawag niya.
Narinig niya pa ang mahinang pagmumura nito.
Ngayon ay nakatutok na ang baril ni Travis kay Erena.
Traydor!
"Travis!" si Louie iyon. "What do you think you are doing?!"
"S-skyler..." sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang tinawag ni Erena.
"Nakita niyo na? Kulang na kulang ngang talaga kayo sa estratehiya," nasundan kaagad iyon ng pangiinsulto ng Gobernador.
Gumalaw siya, nagtangkang lumapit ngunit kaagad siyang natutukan ng baril ng isa sa mga nakabantay sa labas ng helicopter.
"Demonyo ka, Javier!" ang Commander iyon. "Sa oras na may masaktan sa kahit na sino man sa mga narito, ikaw ang unang una kong papatayin!"
Hindi nagsalita ang Gobernador, kundi ay nakakalong tumawa dahil sa sinabi ng Commander.
Nanghihina man ay naroon oa rin ang tapang sa anyo nito, bagay na mas hinangaan niya pa.
"Bibilangan kita, Chavez. Sa oras na umabot ako sa ikatlo, wala na akong pakialam, uubusin ko kayong lahat para walang ebidesiya kung wala man akong mahihita sa'yo."
Umalingawngaw ang katahimikan.
Samantalang nanginginig na siya sa galit habang tinitignan ang baril na nakatutok kay Erena at ang natatakot nitong ekspresiyon.
"Isa..." simula nito.
Kaagad na humanda ang mga tauhan nito sa pagsisimula ng Gobernador sa pagbilang, pero... alam niyang sa dami ng mga ito, dumagdag pa si Travis na traydor... wala na silang ilalaban.
Kaagad na tumingin sa kaniya si Travis.
Kumunot ang noo niya nang mapagtanto ang senyas nito.
"Dalawa..." at talagang nagpatuloy ito sa pagbilang.
Pasimple ring tumango si Louie sa kaniya.
Kung ganoon...
"Tatlo!"
Tuluyan nang nalaglag ang panga niya nang magsipagtumabahan ang mga tauhan ng Gobernador nang may naglotawang mga ligaw na bala. Ganoon iyon kabilis na maging ang mga tauhan nito sa likuran nila ay nabaril din, maliban sa piloto, sa kasama pa nito aa helicopter at kay Travis na kaagad na tinulak papunta sa kaniya si Erena.
"Takbo, Skyler!" si Travis.
Kaagad na dumapa ang Commander, Travis at Erena para paputukan pa ang mga natirang tauhan ng Gobernador. Buhay pa ito, si Romulo at dalawa sa mga ito.
Saan nanggagaling ang mga ligaw na balang ito?
"Skyler!" Natatakot siyang tinawag ni Erena.
Nang matauhan ay kaagad niya itong itinakbo, ngunit sa hindi inaasahan ay natamaan siya ng bala. Pakiramdam niya ay nanlabo ang mga mata niya nang makitang nasa dibdib niya ang tama, nang makitang kumalat ang mga dugo sa dibdib niya.
Nasa dulo sila ng talong ni Eren nang tangkain niya itong itakas gamit ang pagtalon doon, ngunit mag-isa aiyang nahulog, nawala sa balanse, unti-unting binawian ng ulirat.
Ngunit hindi nagtatapos doon, dahil nang oras na bumagsak siya sa tubig ay siya ring pagbagsak ng katawan ng isang babae... at lumalabas ang dugo mula sa katawan nito... kagaya ng sa kaniya.
Hindi...