30 (Part 1)

1202 Words
PAANO ba malalaman na katapusan na ng isang kuwento? Kapag natapos na ang engkuwentro? Kapag nasolusiyonan na ang problema? Siguro, sa kuwentong fiction, walang katotohanan at likha lamang ng malikot na isipan ng isang manunulat. Ngunit bilang ang kuwento ng babaeng ahas kung tawagin ng mga taga-roon ay nasa totoong mundo. At sa totoong mundo, pagkatapos ng isang problema, alam ng lahat na darating ang panibago na nakadepende sa kung paano mo tinapos ang kahapon mo. Malapit na... Oo, malapit na sa talon si Skyler ang Commander at si Catalina. Matapos ng pag-uusap ng Commander nila at ng mga kadete napag-alaman nilang nagtungo na kaagad ang Gobernador roon. Tuso, talagang tuso. At ngayon, pakiramdam niya ay bumabagal ang galaw nila, ang pagtakbo, kapwa kinakabahan. "Hindi!" ang Commander. "Hindi tayo daraan diyan!" Kaagad naman silang napahinto, nagkatinginan pa sila ni Catalina. "C-commander..." Hindi niya gustong mataranta, pero ang gusto niya ay magtuloy tuloy sa pagtakbo. Hindi sila puwedeng mahuli. Lalo na't ngayong... alam na nila ang plano ng Gobernador. "Doon tayo sa direksiyon na sa puwesto tayo ni Erena lalabas, kung diyan tayo daraan, maaaring sa likuran tayo ng mga kalaban mapunta." Mariin siyang napapikit bago nauna sa itinurong direksiyon nito, ngunit wala pa mang ilang segundo ay bumalik na siya para alalayan ang Commander nang matantong hindi ito sumusunod. "What was happening?" si Catalina. Napaingit ang Commander, ngunit pinipilit patapangin ang boses. "Ayos lang ako. Mauna ka na, L-liu." "Pero, Commander..." "Ako ang may desisyon dito, hindi ba? Kasasabi mo lang kanina? Kaya mauna ka na. Mauna na kayo ng anak ng put-" "Commander," kaagad niyang pigil dito. Lumambot naman kaagad ang mukha ni Catalina, taliwas sa inaasahan niya. "He is right, kailangan na nating mauna. Baka kung ano... ang magawa ng Daddy ko, Skyler." Nagpalipat lipat pa ang paningin niya sa mukha ni Commander at ni Catalina, ngunit hindi siya makabuo ng desisyon. Mula sa akmang pag-alalay sa Commander ay itinuloy niya iyon. "Isa pang matigas ang ulo mo talaga, ano?" Alma kaagad nito. "Mas babagal tayo kapag nagreklamo ka pa, Commander. Hindi lang ako ang kailangam ni Erena, Sir! Sa ating dalawa, ikaw ang pinaka kailangan niya." Wala itong nagawa kundi ang sumunod at magpaalalay sa kaniya. Ipinagpatuloy niya ang pag-usad, kahit na bumagal ng kalahating porsiyento. HABANG abala sa pag-usad sila Skyler, ang Commander at si Catalina, habang naroon ang Governor sa harapan ng babaeng ahas na isa sa mga pakay nito, nagpapalitan ng salita at abala sa bawat senaryo, ilang mga hakbang mula sa isang lugar na pinanggalingan ng mga ito ay dumating ang mga hindi kilalang mga kalalakihan. Nakauniporme ang mga ito, naka-itim, matitikas ang tayo, armado at isa sa pinaka sigurado, hindi mga kakampi ng Gobernador. Ang mga taong ito ay ilan lang sa mga taong walang pagkakakilanlan, kung sa mata ng mga normal na mamamayan. Sino nga ba ang mga ito? Ano ang papel nila sa buhay ng mga narito sa engkuwentro? Ang nangunguna, ang pinuno kung tawagin ng mga ito ay bahagyang lumuhod sa tapat ng napaka laking puno, bakas ang bahid ng dugo sa mga tuyong dahon sa lupa malapit doon bagama't ang ilan ay napawi na ng tubig ulan mula kanina. "Mukhang isa ito sa mga kadete niyon," anang isa sa likuran nito. Sandali itong natigilan mula sa pagsipat, bahagyang nilingon ang nagsalita, marahan at kalmado. Tila ba sigurado sa bawat galaw nito. Muli itong nagbalik tingin sa butas mula sa ugat ng mga puno niyon, tila lagusan sa korteng kuwebang ugat ng punong iyon. "A-ah..." Hindi na ito nasorpresa nang makarinig ng impit na ungol. Ang boses ay tila ba nahihirapan, may dinadamdam. "Buhay pa, pinuno," anang naman ng isa. "Alam ko," kaagad nitong sagot. Ilang sandali pa ay tumayo na ito at sumenyas sa mga nasa likuran. "Hilain ninyo palabas, hangga't humihinga pa." Kaagad namang sumunod ang mga lalaki, hinila ang katawan na naroon sa loob at doon na nga tumambad sa mga ito ang tama ng baril nito sa paanan. "Ah," anang lider sa isipan nito. "Kaya buhay pa, malayo sa bituka." Ngunit pansin niya rin ang pamumutla ng lalaking iyon, nauubusan na siguro ng dugo. "Ano ang gagawin natin?" anang nagtanong kanina. Napabuntong-hininga pa ang lider na ito bago lumapit sa halaman malapit sa puno na nagtataglay ng malalaki at malalalim na dahon. Marahan niya namang pinitas iyon, para hindi matapon ang tubig na hinahawakan nito at nang maitapat iyon sa labi ng lalaki ay marahas nitong ibinuhos iyon sa mukha nito. "Gising," anang nito. "Kung hindi mo pananatilihing gising ang diwa at katawan mo, baka hindi ka na nga magising." Nagulat pa ang mga kasamahan nito sa ginawang pagtapon ng tubig, ngunit naintindihan din nang lumaon ang rason niya. Hindi makakapagsalita ang lalaking iyon, alam nito. Dala siguro ng trauma, pagod at sakit. Kung magagamot, kung aabot, doon pa siguro ng mga ito makakausap ang kanilang nahanap. "Dadalhin natin ang lalaking iyan," anunsiyo niya. Nagkatinginan pa ang mga ito. "Hindi naman natin siya kailangan, pinuno. Hindi naman siya ang ipinunta natin dito," umalma pa ang isa. "Alam ko," ito na nga siguro ang paborito nitong linya. "May hindi magandang mangyayari at ngayon pa lang nararamdaman ko na iyon. Basta makinig na lang kayo, ako naman ako masusunod dito kahit na anong mangyari." Patay ang mga mata nitong tinignan ang mga kasama nang tila hindi pa sigurado sa pagbuhat sa lalaki na bahagya pang napaingit, nasaktan marahil. "Dahan-dahanin ninyo. Baka may pakinabang pa 'yan." Habang abala ang mga kasamahan nito sa pagbuhat sa lalaki, tinalikuran nito ang mga ito para tignan ang direksiyon kung saan tuloy-tuloy ang putukan. Ngayon lang ito lubhang nagka-interes sa isang pangyayari, sa isang kuwento. Ano... kaya ang kahahantungan ng engkuwentrong nagaganap ngayon? "Tara na," anang nito. MULI siyang kinapitan ni Louie mula sa pagkakakalas ng kamay niya mula rito nang makita ang mga kaharap nila ngayon, napapagitnaan na sila ng tubig ng talon, bukod doon ay wala ng iba pang harang. "Hihintayin lang natin ang ama mo at mag-uumpisa na tayo," anang ng sakim na Governor. Umawang ang labi niya. Ibig ba nitong sabihin ay buhay pa ang Daddy niya? Awtomatiko naman siyang itinago ni Louie sa likuran nito. Humarang na rin si Travis sa kanila para mas masiguro ang kaligtasan niya. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang kasama pa nila sa laban na ito ang lalaking halos tumakot sa kaniya. Siguro nga... lahat ng sinabi nito noon ay banta na sana, pero hindi siya nakinig at dito na nga humantong. At alam niyang hindi siya sasaktan ng Governor. Hindi pa. Kung gagawin nito iyon, hindi nito makukuha ag bagay na gusto talaga nitong makuha. "Hindi namin alam kung nasaan ang gusto mong makuha, Governor." Naglakas loob nang bumoses si Travis. "Baka puwede mo na laming palagpasin." "Hindi kita kilala, pero sige, sasagutin ko ang hinihiling mo. Hindi." Bakas ang pagkainsulto sa mukha ni Travis, pero mas nangingibabaw ang inis. "Tanggapin niyo na lang, dito magtatapos ang lahat ng ito. Sa kagubatang ito, sa talon na ito." Oo, unti-unti na naman siyang nawawalan ng pag-asa... Ngunit sa hindi inaasahan, isang ingay ang namutawi at mula iyon sa himpapawid. At isa na namang bagong pag-asa ang bumuhay sa puso niya. Ang helicopter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD