Ano nga ba ang gugustuhin ng mundong ito, na hindi kaagad makukuha ng kahit na sino? Sa tanong na iyan ako nagsimula. Isa lang naman ang recognition sa gusto kong makuha, dahil ang totoong gusto ko ay makalikha ng eksperimento na makakatulong sa sangkatauhan, o hindi kaya ay makabuo ng formula para panlunas sa mahihirap na gamuting sakit ngayon. Ngunit bago pa ako makapasok sa laboratoryo, hinamon muna ako ng buhay. Melissa Adreas ang pangalan na ibinigay sa akin ng aking ama at ina. Ang mga magulang ko ay kapwa lumaki sa hindi marangyang pamilya kaya naman bawat bagay na mayroon kami ay mahalaga para kanila. Bata pa lang, naunawaan ko na iyon. Ika nga ng nga kapit-bahay namin niyon, tila raw ba, matalino talaga ako. Nag-iisa akong anak, kaya naman mahal na mahal nila ako, siguro, ga

