Hinding hindi ko makakalimutan kung paano akong umakyat sa graduation ko nang ako lang mag-isa, dahil abala ang pamilya ko para sa burol ni tatay. Sa pag-akyat kong iyon ay dala ko ang pangako ko sa kaniya na ako lang ang nakakaalam. "Hindi ba may patay sila? Bakit pumunta pa siya rito?" "Tignan mo, wala man lang kareareaksiyon, parang hindi namatayan. Hindi rin mukhang umiyak para man lang sa tatay niya." "Masaya yata dahil valedictorian. Sa sobrang competitive, nakalimutan na ang sariling ama." Totoo ang sinabi nila, na mukha akong walang pakialam dahil sa itsura ko nang araw na iyon. Wala rin naman akong pakialam sa mga sinasabi nila, dahil ang utak ko ay nasa ibang bagay. At ang pagiging numero uno ko sa pagtatapos na ito, ay inaalay ko sa kaniya. Ito ang ipinangako ko sa kaniya

