Ang pinakamahirap na parte ay ang mawalan nang pag-asa. Hindi naman talaga ako naniniwala sa mga ganiyan, sa pag-asa, dahil hindi ako 'yung tipo ng tao na tumutunganga lang kahit na may gustong matupad, kahit na may hangarin. Ang pag-asa na 'yan, para sa akin, ay para lang sa mga taong ayaw kumilos. Mali pala ako, dahil sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga pagsisikap ko, ang mga pangyayari mismonang tatapos doon, ang magpapakita sa'yo na totoo ang mawalan nang pag-asa. Maaga akong gumising para tumulong sa gawaing-bahay. Hindi ako hihilata na lamang sa hindi ko naman pamamahay. Ayos na rin sigurong makatulong ako, kahit sa ganito man lang na paraan, na makabayad sa pag-papaaral at pagpapatira nina Tita Loraine. "Naku, huwag na Melissa!" saway pa sa akin ng kasambahay nila. "Ako na riyan!

