Bago matapos ang araw ilang ulit pa akong pinuntahan ni Meldie sa kuwarto para kulitin at mapapayag. Hindi nito alam ang salitang oo, hindi siya nito titigilan hangga't hindi iyon ang nakukuhang sagot. "Alam mo, matagal kang nasa probinsya lang. Mag-enjoy ka! Maiksi masyado ang buhay para humindi ka. Kapag may pasok na, sige ka, hindi mo na magagawa 'to kung kailan gusto mo na." Nanatili akong nakahiga sa kama, nakatagilid mula sa kaniya, mulat ang mga mata, pero naglalakabay ang isip. "Two hours na lang, babalik na si Miguel dito para sunduin ako. Sige na Melissa!" Umupo ito sa kama niya at nagsimula siyang yugyugin, pero hindi siya nagpatinag. "Melissa..." "Bukas na ang enrollment. Napag-isipan mo na ba ang kukunin mong kurso?" tanong ko, sinubukang ilihis ang usapan. "Puwede ba, Me

