11 (Part 2)

1085 Words
PAULIT-ULIT NA TININGNAN NI CATALINA ang dalawang polo na naka-display sa boutique. Panlalaki iyon, para kay Skyler, siyempre. Iniisip niya pa lang na suot iyon ni Skyler ay kinikilig na siya. Seriously, she's missing him. "Alin ba ang maganda, Yaya?" Taas ang kilay na sinipat ni Korina ang dalawang mannequin. "Anak, parehas lang 'yan!" "No! It's not the same!" Napanguso siya, hindi naman nakatutulong ang Yaya niya. "Look, the other one is blue and the other one is red!" Kilala niya pa naman ang sarili niya. Gusto niya ay palagi siyang nasusunod dahil talagang magta-tantrums siya. Si Skyler lang naman talaga ang may kakayahang tumanggi sa kaniya. "Nako, sige 'yang pula ang kunin mo!" bawi agad nito. Ipababalot niya na sana ang polo para bilhin. Nang may pumasok sa boutique. Hindi pa man nalilibot ng mga ito ang paningin ay nahinto na iyon sa kaniya. "Oh my gosh! What are you doing in the men's boutique, Catalina?" Napaayos siya mula sa pagtayo. She even cleared her throat to appear more confident. "Buying something for my fiance?" Nagkatinginan ang dalawang babaeng iyon, maging ang Yaya Korina niya nga ay napatingin sa kaniya. "Fiance?" anang babae. "Sino?" "Skyler," sagot niya. "Isn't it obvious? Duh." The two girls looked at each other, seemed like they were talking through telepathy. "Are you sure, fiance mo na si Skyler?" Skyler is really popular in their place. Kilala ito bilang guwapo at matulunging binata, iyan ay ayon sa mga matatanda. Proud na proud siya tuwing naiisip niya iyon. "Yes?" Umakto siyang natatawa. "Mukha ba akong nagsisinungaling?" "Hindi," anang naman ng isa. "Dati lang kasi, ayaw talaga sa 'yo ni Skyler kahit anong sunod mo sa kaniya." Halos tumatak sa utak niya ang tawanan ng dalawang babae matapos sabihin iyon. She even stormed out the boutique after buying the red polo and Korina followed looking so scared. "Bakit mo sinabi na fiance mo na si Skyler?" Habang bumabiyahe pauwi ay tinanong nito. "Bakit? Isn't that where we are heading?" sagot niya naman agad. Nag-aalalang napayuko na lang si Yaya Korina, pero alam niyang marami itong gustong sabihin. But the question is, would she listen if Korina does? Nope. Hanggang sa sumapit ang gabi at umuwi ang daddy niya galing sa trabaho. Hindi naman ito mukhang pagod masyado, kaya naman para sa kaniya ay ito ang pinakamagandang oras para itanong ang tungkol sa bagay na iyon. "Yes, my princess?" anang nito nang sabayan niya sa paglalakad mula sa living room papunta sa dining area, senyales na may kailangan siya. "Dad, you do know where Skyler's camp is, right?" Nahinto ang Daddy niya sa pagpapaluwag ng suot na kurbata at naging malalim ang pagbuntong-hininga bago muling bumaling sa kaniya. "Yes, and what about it?" "Because I want to go there. I want to talk to him." "Anak, I am afraid that it was such an impossible idea. Delikado sa kagubatan kung nasaan si Skyler. I won't risk you being there just because you want to. Hintayin mo na lang na matapos ang camp at umuwi si Skyler dito, okay?" Huminto siya mula sa paglalakad. She's mad. Hindi puwede. What she must get anything that she wants! Napansin ng daddy niya ang paghinto niya kaya naman imbis na magtuloy sa paglalakad ay napuntang muli sa kaniya ang atensiyon nito. "Catalina, please, not this thing." Tumalim ang tingin niya sa daddy niya. Sa hindi mabilang na pagkakataon naman ay bumuntong-hininga ito. "I want to go there!" Sumigaw siya sa nanlilisik na mga mata. Mariin na napapikit ang daddy niya. "Yaya Korina!" "Yes, Sir?" Mula sa pagbaling ng daddy niya sa kaniya, awtomatikong napunta sa kaniya ang atensiyon nito. "Catalina, let's go to your room." "Choose, Dad," she started. "Are you going to bring me to Skyler's camp with your guide or I will go all by myself without your knowledge?" "Catalina, ano ka ba naman?" Korina whispered. "Cat, you don't understand?" her dad said. "There are rumors going around from that location." "But this can't wait!" She bursted out. "And why are you believing in rumors? Seriously, Dad?" "Calm down, Catalina—" "No! You will do what I want or else..." Right after saying that she stormed into her room. She will going to be Skyler's fiance in an instant as planned and no one should dare stop her. PILIT NA HINILA NI SKYLER SI JOHN. Sinabi niya na ang lahat at hindi niya alam kung talaga bang takot pa ito o hindi lang talaga naniniwala sa kaniya. "John, bigyan mo ng tsansa si Erena—" "Nababaliw ka na!" Maging siya ay nabigla sa biglaang pagsabog nito, pero iintindihin niya si John, nagugulat lang ito. "Nakita ko ang 'itsura niya, Skyler! Huwag mong ipagtanggol ang salot! Kinikilabutan ako sa ginagawa mo—" Hindi na nito naituloy ang sanang sasabihin nang mawala siya sa wisyo. Nasapak niya ito—at hindi niya iyon sinasadya. Mula sa galit na mukha ay napalitan ng pagkabigla ang mukha ni John nang unti-unting ibaling ang paningin sa kaniya. "J-john..." Hahabol pa sana siya pero natabig na siya nito. Ngayon niya lang nakita na ganoon kagalit si John. Hindi niya makontra. Ang tangi niya lang nagawa ay panoorin itong galit na maglakad palayo. Napamura siya sa sarili nang maalalang hindi niya hawak ang utak ni John. Anumang oras ay maaari nitong sabihin sa kampo ang lahat. Napako siya sa desisyon na sundan ito sa kampo o hanapin si Erena dahil alam niyang ngayon pa lang ay natatakot na ito sa kaisipan na may ibang taong nakakita rito. Sinipa niya ang katabing puno para maglabas ng galit bago niya sinundan ang gawi ni Erena para hanapin ito. "Erena!" Sa tamang lakas lang ng boses ay tinawag niya ito. "Ako lang 'to, nasaan ka na ba?" Ngunit kahit ilang ulit niyang ulitin iyon ay hindi ito tumutugon. Natatakot siyang hindi na talaga ito magpakita sa kaniya. Tinakbo niya ang kagubatan. Lingon sa kanan at kaliwa ang ginawa niya habang umaasang makikita niya ito, pero wala. Nasaan ka, Erena? Maiisip niya pa lang ang imahe nitong natatakot ay nadudurog na ang puso niya. Kailangang makita niya si Erena hangga't hindi pa lumulubog ang araw. "Mukhang may hinahanap ka, Skyler?" Nahinto siya mula sa paghahanap. Pasimple siyang umayos sa pagtayo at inayos din ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. Si Travis iyon. Napakasuwerte, sa dami nang maaari niyang makasalubong ay si Travis pa. "Narinig ko ang lahat, Skyler. Hindi mo na kailangang kabahan," sarkastiko nitong sinabi. Unti-unti siyang kinain ng kaba habang nakatingin dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD