34

1421 Words
NAGISING si Skyler matapos makarinig ng bulungan mula sa labas ng pintuan niya. Noong una ay pinakikiramdaman niya lang iyon, ngunit nang hindi tumigil at bumangon na siya mula sa kama. "Alam mo namang hindi ka dapat nagmamatigas, Dion." "Paulit ulit, John? Alam na ito ng lider. Ayos na ba?" Ang aga naman, ano ba kasi iyon? Si John at si Dion siguro iyon, pero ano namang pinagkakaguluhan nang ganito kaaga? Alas sais pa lamang ng umaga. Naunahan pa ng mga ito na dumaan si Doc Gabby rito para i-check siya. Marahan siyang tumayo sa kama at nilakad ang papunta sa pintuan, binuksan iyon. Kagaya nang inaasahan niya ay si Dion at John nga iyon na napahinto pa nang makitang lumabas siya, maging ang galaw ng kamay ng dalawa sa aktong pagtatalo ay nahinto rin. "Skyler!" "Sky..." Nagsabay pa sa pagbanggit ang dalawa sa pangalan niya, tila may ayaw ipahalata. Ang pag-aaway ba ng mga ito? E, halatang halata naman na. Tinignan niya ang dalawa na tila nagtatanong. Sandali pang nagkatinginan ang dalawang ito, nakita niya pa ang pag-ismid ni Dion bago siya balingan at ang asar naman na mukha rin ni John bago rin siya balingan. "Anong problema?" anang niya. "Aba, hindi mo puwedeng kalimutan!" si Dion na para bang walang nangyaring pagtatalo sa pagitan nila ni John kanina. "I told you that I'll take you out! Mamasiyal lang tayo sa baba." "Sure ka ba na sa baba mo lang dadalhin si Skyler at hindi sa labas ng isla?" Naroon pa rin ang inis at pagdisgusto ni John, tila hindi pa nagtitiwala kay Dion. "Excuse me? Anong tingin mo sa akin, tanga?" Bago pa man mag-away nang tuluyan ang dalawa ay pumagitna na siya. "Ayos lang, John. Gusto ko na ring lumabas at magpahangin, para makalibot na rin," sang-ayon niya. Awtomatiko namang sumigla si Dion, nang-aasar pa nitong nginitian si John. Samantalang ang mga mata ni John ay nanatili sa kaniya, nagbaba ng balikat. "Hindi naman iyon, Sky, e. Hindi pa kasi makabubuti sa'yo ang paglabas labas-" "Do you want me to repeat it again?" si Dion tila naiinis na talaga. "Nagpaalam na ako, and he agreed! We already have am agreement, labas ka na rito." Natahimik si John, nakapameywang pa ito at dismayado talaga; siguro rin ay dahil hindi na makakontra. "O, sige. Lumabas kayo, pero sasama ako." Umawang ang labi ni Dion dito, nasa mukha kaagad ang hindi pagpayag. "Dyusko naman, John? Ano ka ba? Wala akong gagawing masama kay Skyler-" "Alam ko," sagot nito. "Kung wala nga, bakit parang ayaw mo akong sumama?" Dumapo kaagad ang paningin sa kaniya ni Dion. Hindi niya naman alam ang sasabihin kaya nagkibit-balikat siya. "Fine." Bakas ang kawalang pag-asa ni Dion nang sabihin iyon. "Magpalit ka, we will wait for you outside." Umawang ang labi niya nang may mapagtanto. "Sa tingin ko, wala akong damit dito. Puwede kaya 'yung suot ko bago ako mapunta rito?" tanong niya. Awtomatiko na nagkatinginnan si Dion at John at sabay na umiling sa kaniya, nag-panic. "Hindi!" At bilang wala naman siyang ideya kung bakit ganoon ang naging reaksiyon ng dalawa ay hind na lang siya kumibo bagama't naroon ang pagtataka niya. "You can't use that." Hinabol pa ni Dion ang paghinga at pilit na ngumiti sa kaniya bago bumaling kay John. "Give him something to wear." Tumango si John, diretso na umalis nang hindi kumokontra kay Dion. Himala yata? "May mga uniforms tayo rito, pero hindi pa siguro nahahanda ang sa'yo. For the mean time, you can use John's shirts. Don't worry, ipapasabi ko na rin sa helpers dito na ayusin iyon at ihanda na ang magiging kuwarto mo." Tumango siya habang isang bagong tanong na naman ang nabuo sa kaniya. Napansin niya kasing kung magsalita si Dion ay tila ba kasing taas ang isang pinuno, kagaya rin ng sinabi nito ay napapayag nito ang lider para ilabas na siya sa silid na ito. "May iniisip ka ba?" tanong nito. Kaagad naman siyang umiling. "Wala. Ilang sandali lang ay dumating na si John dala ang isang set ng uniporme, iyon na siguro ang tinutukoy ni Dion kanina na uniporme, ganitong klaseng disenyo. Kulay itim, halos whole-body suit, pero komportable naman. Matapos magbihis ay lumabas na siya. Ipinagpasalamat niya pa na habang ginagawa niya iyon ay wala siyang narinig na away kay John at Dion. "I almost forgot," si Dion, habang nagallakad sila sa hallway papunta aa isang elevator. Muli na naman siyang namangha, kakaiba, para bang... moderno ang gusaling ito. "May mga I.D. tayo, like this." Inangat nito ang hawak na I.D., pero naka-encode din naman ang fingerprints natin sa system para sa ilang access, kagaya ng pagsakay sa elevator na ito." Pinanood niya ang pagdala ni Dion sa hinlalaki sa isang maliit na scanner aa gilid ng elevator. Nang itapat nito iyon ay kusa itong umilaw, may kukay asul pang tila ilaw na grid na pumalibot sa hinalalaki ni Dion bago lumabas ang salita sa taas ng scanner. Access approved. "Sa ngayon, hindi ka makakapasok sa elevator dahil wala pa ang fingerprint mo sa system, another thing, bawat gamit mo rito ay recorded. May iba pa namang paraan para makapasok dito." Mula sa ibaba ng finger print ay may mga buttons, pinindot ni Dion ang nasa kanan sa tatlong naroon. "I have Skyler, paki-approve kay lider ang paglabas namin." "Copy..." Iyon lamang ang sinabi ng nagsalita sa speaker sa gilid ng elevator, babae ang boses. Hindi rin nagtagal ay nasundan iyon. "Please put the newbie's fingerprint on the scanner." Nang maintindihan ay kaagad niya namang sinunod iyon. Sandali pa siyang namangha. "Access approved by leader. You may now go." Iminuwestra sa kaniya ni Dion ang daan papasok sa elevator. Pumasok naman kaagad siya kasunod ito. Matapos ding mag-scan ni John ay sumunod na ito sa kanila. "May fishing rod ba tayo?" si John. "Kami, meron. Ikaw wala. Hindi ka kasama sa plano, e." Ismid lang ang isinagot nito kay Dion. Sa totoo lang ay hindi pa roon nagtapos ang sagutan nang dalawa, natahimik nga lang nang makarating na sila sa bangka at nang kinailangan na nilang ihanda ang mga gagamitin sa pangingisda. "Mangisda muna tayo ngayong araw, the next day, I'll tour you around our island." Kinausap siya ni Dion habang inaayos ang pamingwit. Abala naman si John sa hawak na fishing rod, pero bahagyang nagmamasid masid sa kanilang dalawa ni Dion. Ano ba naman kasing ikinakatakot nito? Wala rin namang sinasabing kahit ano si Dion na makakaapekto sa kaniya, wala itong sinasabi tungkol sa nakaraan niya o kung ano pa man. Maliit na bangka lang ang gamit nila. Ang sabi naman ng dalawa ay hindi naman sila masiyadong lalayo sa isla. Ilang sandali lang ay nakalayo na sila sa pagsagwan ng dalawa. Nag-offer siya na siya na lang ang magsasagwan kapalit ni Dion, pero hindi talaga nito ibinigay ang sagwan sa kaniya hanggang si John na mismo ang magsabi sa kaniya na hayaan na lang ito. Ngayon, aaminin niyang medyo nakakailang na nga ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Mabuti na lang at naisipan nang magsalita ni Dion. "Mukhang mahirap makahuli ng isda ngayon." "O-oo nga..." Hindi niya kasi alam ang isasagot. Tumayo si Dion na hawak pa rin ang pamingwit. Sa hindi inaasahan ang lumakas ang hangin at muntik na itong mapayid ng hangin, kung hindi lang siya naging maagap sa pagsalo rito. Bahagya pa itong nagulat dahil sa ginawa niya, namumula at naroon ang kaba. "Ayos ka lang?" tanong niya. Nag-alala naman talaga siya dahil hindi niya alam kung marunong ba itong lumangoy dahil lagpas na talaga sa tangkad nila ang lalim ng tubig. "O-oo... ayos lang." Tila wala pa sa sarili itong sumagot. Nang makasiguradong maayos na ang balanse nito at nakaupo na rin nang maayos, syaka niya lamang ito binitawan. Bahagya niya pang ipinako ang paningin niya rito, pero biglang naging aligaga si Dion. "A-ayos na ako!" anang nito, para siguro hindi niya na masdan. "I'll be okay now, I promise!" Pumanata pa ito. Iiling iling na lang si John sa kanilang dalawa, nagkukunwaring abala sa pangingisda. "Ayos, hindi mo pa rin nakakalimutang tumulong." "Ha?" tila nabingi pa siya sa sinabi ni John, pero umiling lang ito sa kaniya. Pakiramdam niya, ang pagtulong na sinasabi nito ay parte ng nakaraan niya. "Wala," sagot nito. "Paramihan na lang ng mahuhuli." Mula naman sa gilid niya ay ramdam niya ang pagtingin ni Dion. Nang itama niya naman ang paningin dito ay kaagad din namang nag-iwas nang paningin at nagpanggap na rin na abala sa pamimingwit. Kung ganoon... matulungin pala siya dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD