Hinila ako ni Diego papunta sa guestroom. Inupo niya ako sa kama at may kinuha siyang kit sa loob ng cr. Walang imik siyang umupo sa tabi ko at kumuha ng bulak para malinis ang sugat ko. "This will hurt, Addie. Sabihin mo kapag masyado nang masakit." sabi niya at dinapo ang bulak sa braso kong may sugat. Nakatingin lang ako sa kanya. Maigting ang panga niyang ginagamot iyon. Hindi ko alam pero inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. Tiningnan niya ako na may halong gulat. "Masakit." Sabi ko na lang at nilayo ang sarili ko. Tumayo na ako at kinuha ang isang malaking band aid para ilagay iyon doon. "Mauuna na ako." Naghanda na ako para umalis. Balak kong manati

