Umuwi din siya matapos iyon. Okay, pinauwi ko siya for short. Kasasabi lang niya na friends kami at ang mga mag-friends, hindi natutulog sa bahay ng isa't-isa lalo na kung lalaki at babae sila. Napairap ako sa sinabi ko. Alright? Eh, may baby na nga kayo tapos pademure pa? Pero anyways, friends talaga kami. Binuhay ko ang lampshade ng kwarto ko at natulog na. Nagising na lamang ako ng umaga dahil tumatalon talon ang mga bata sa kama. "Mommy, wake up!" sigaw ni Hanniel. Unti-unti ay minulat ko ang mga mata ko. I saw Castiel jumping while Kafziel and Hanniel's looking at me. I smiled at them. Ang ganda naman ng bumungad sa akin! "Hi, babies. Good morning. Kiss mommy." I said. Hinalikan nama

