When the next day came, bumungad sa amin ng triplets si Diego na binababa ang kanyang gamit mula sa sasakyan. Umirap ako at hinayaan ang tatlo na tumakbo sa direksyon niya para makiusisa. May sinasabi si Diego sa kanila. Pumasok naman ako sa loob ng bahay ng sa ganoon ay maiwasan kong kausapin siya. I tried to stop him from living here. Baka kasi mamaya, maissue kami na live in na naman. Pero talagang wala akong choice kundi ang pumayag dahil mga anak ko ang nakasalalay. Malay ko bang mas nauna niyang kinunsulta ang triplets kaya kahit ayaw ko, nakapayag na ang mga anak namin. "Mommy! Saan matutulog si Daddy?" tanong ni Kafziel. Nilingon ko ang anak kong nasa pintuan na pala. Hininaan ko naman ang television at nilingon ito.

