[Chapter 13]:Reason Why

1355 Words
Rana Pov: " Kumain ka ng madami hijo okay! Masarap yan ". Wika ni Nanay kay Natcher. Parang baby na abyad-abyad ni Nanay si Natcher samantalang kami ni Ate ito nagkakaniya ng kuha at sandok sa pagkain namin. Nakauwi na kami galing sa simbahan. Sa kotse ni Natcher ako sumakay kasi pinagtulakan din naman ako ng pamilya ko sa kaniya. Habang nasa sasakyan kami kanina hindi na ako nakapagtimpi na itanong sa kaniya ang mga tanong na gusto ko talagang masagot. Kaya naman para di din boring sa byahe papabalik dito sa bahay ay tinadtad ko siya ng mga tanong ko. Flashback: Nakafocus lang ang atensyon ni Natcher sa daan. Hindi siya nagsasalita magbuhat na sumakay kami sa kotse niya. Tahimik lang siya. Pinagmasdan ko ang sturktura ng mukha niyang napaka kinis, isama mo pa ang kaputian niya. Ang tangos din ng ilong niya, ang nipis pa ng labi tsaka sobrang pula. Pero ang mas gusto ko na parating nasisilayan sa kaniya ay ang kulay green niyang mga mata. Ang astig kasi. Namumukod tangi siya sa mga nakilala ko na mayroon ganun klasing kulay ng mata. " Ehem! ". Pag-ubo niya dahilan upang matauhan ako at magbalik sakin sarili. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at umayos ng upo kahit maayos naman akong nakaupo dito sa tabi niya. Patuloy pa din siyang nagmamaneho. Muli ko siyang sinilip sa peripheral view ko. Kagat-kagat niya ang ibabang labi niya para mapatitig ako mismo sa labi niya. Umawang ang bibig ko habang nasasaksihan ang pagbabago ng kulay ng labi niya dahil nga kinakagat niya ito. Mas lalo pa itong pumupula. " You know you can tell me if you want to kiss me! ". Husky at pabulong na sambit niya sakin. Diko namalayan man lang na nakalapit na pala siya sakin at naihinto na niya ang kotse sa tabi ng highway. Sa sobrang lapit niya sakin  ay halos maduling na ako sa kaniya saka amoy na amoy ko din ang mabango niyang hininga. " A-anung toothpaste? ". Bigla siyang napangisi sa tanong ko. Bumaba ang tingin niya sa labi ko sabay kagat nanaman sa lower lip niya. Ibinalik niya ang tingin niya sa mata ko  na titig na titig pa din sakin. " Halik mo! ". matipid niyang sagot para maitulak ko siya papalayo sakin. Umayos naman na siya ulit ng upo pero narinig ko na tumatawa siya. Nagpahid naman ako ng pawis ko kasi bigla akong binanas. Adik talaga ang baklang toh. " B-bakit tayo tumigil? ". Ungkat ko. " Naiilang kasi ako sayo! ". Tugon niya. " Sakin? Bakit naman? ". Ungkat ko pa. " Di ako makapag concentrate sa pagdadrive ko kasi tinititigan mo ako! ". Sagot niya. Siya tinititigan? Di nga! Mukha nga ata dahil di ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya sakin. E kasi naman bakit ganiyan ang kagwapuhan niya kahit bakla siya. Kahit ata tomboy magbabalik loob sa kaniya e. " H-hindi kaya. Assuming ka din anu. Assumerong bakla ". Pagtatanggi ko. Hindi niya yun pinansin. " Don't denied it Honey! Its okay with me if you want to stare me on our whole ride ". Nangiti niyang wika. Napatikhim ako sa sinabi niya sabay irap sa kaniya. " Mukha mo!! Asa ka bakit ko gagawin yan. Kgwapo ka ba? lalaki ka ba bakla ka naman ah ". Ani ko nanaman patungkol sa gender niya. " I'm not gay! ". Matipid niyang wika. " Dimo ako maloloko. Kaya ba May boyfriend ka, kaso pinagpalit ka sa babae. At bilang ganti ginagamit mo ako! Spill Mr. Valtocris. Gusto mo makaganti sa boyfriend mo. Gusto mo siya pagselosin sa pamamagitan ko. Hindi ako tanga alam ko ang mga pinaplano mo! ". Natigilan siya at di nakapagsalita dahil sa mga sinabi ko. Here it is nasabi ko sa kaniya ang gusto kong sabihin. Tumikhim siya sandali habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa manebela nitong kotse niya. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. " I guess Miss Aguilar, I can't fool you! ". Wika niya kaya tinignan ko ulit siya. Nakatingin siya sa harapan namin at hindi sakin. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Hindi ako agad nagsalita. Gusto marinig ang lahat sa kaniya. Kung bakit niya ginagawa ito? " You want a serious talk! I don't like you or even wanting to marry you ". Kagaya nga ng inaasahan ko. Tama ako. He was just using me for his on sake. " But it doesn't mean I'm a gay ". Dagdag niya. " Yeah I know! You're a type of Gay na Bi s****l. Nagkakaroon ng attraction sa babae ganun din sa lalaki. Pero diko lang maintindihan Mr. Valtocris, anung ginawa ko sayo para gawin mo ito sakin. Ako ba nanloko sayo? Tsaka ang daming puwedeng babae na puwede mong gamitin bakit ako pa! That's being unfair ". Giit ko sabay hinga ng malalim. Totoo naman diba ang unfair niya. Nagdidisisyon siya ng kaniya lang paano naman ako na walang kamalay-malay na mayroon na pala siyang pinaplano na gamitin ako para lang pagselosin ang Ex niyang gagu. This time tinignan na niya ako. " I have reason why ". Matipid niyang sagot. " Then what? Kasi nanahimik ako. Ang gusto ko lang naman makagraduate ako ng maayos. Hindi mabahidan ng kahit anung masamang record ang card ko. Bukod dun ayaw kong ikasal sa taong di naman ako mahal di ko din mahal! ". Giit ko nagsisimula nanaman akong mainis sa kaniya. " I know, sa tingin mo ba diko inalam ang lahat sayo. Matutulungan kita sa lahat ng yan ". Nagooffer ba siya then I'll reject it. " I can stand by my own Natcher I don't need your help ". Wika ko, sabay iwas ng tingin sa kaniya. Isinandal ko sa inuupuan ko ang likod ko. Kailangan ko maging mahinahon para makapag-usap kami ng maayos nitong baklang ito. " Then I need your help Rana! I don't like you and I don't even want to marry you.... but I have to! ". Sambit niya na ikinabaling nanaman ng atensyon ko sa kaniya. " Anu? ". Parang nabingi ako sa sinabi niya. He have to marry because of what. " You have to marry sa anung dahilan? ". Salubong ang mga kilay kong itinanong ito sa kaniya. Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. The same feeling sa tuwing gagawin niya ito. Para akong kinokuryente. " Remember the time I'd kissed you sa Milktea House. All my reputation in life is just ruin in one big shot, dahil lang sa hinalikan kita. Mawawalan ako ng trabaho, ng lahat Rana kung di ko sinabi sa kanilang asawa kita. I don't care about my ex, kung ilang babae pa ang ipapalit niya sakin. I know it was ridiculous and Rana I don't like you but I want you and I needed you. Kasalanan ko ito Oo at gusto kong maitama pero diko kakayanin mag-isa please Rana help me! I need your help... I'm b-begging you ". Hindi ako makapagsalita. Nablanko ako bigla. Oo inamin niya sakin na ginamit niya nga lang ako the time na kaya niya ako hinalikan sa harapan ng Ex niya. Pero ng dahil sa halik na yun pati pala buhay niya nasira, akala ko kasi yun akin lang. Hindi naman as in nasira ang buhay ko, naging viral lang naman ako, inaway ng Fan niya kaya nga nakatamo ako ng sampal e. Pero anu ito? Bakit ganito. Akala ko makakatakas na ako sa kaniya. Akala ko dito na matatapos pero bakit humihingi na siya ngayon ng tulong sakin. Gusto niya akong pakasalan dahil gusto niyang gawin totoo ang palusot na sinabi niya. Pinagmasdan ko lang siya ng mabuti. Kitang-kita ko sa mga mata niyang kulay green ang desperation. Hindi ba siya nakakatulog ng maayos kasi medyo lubog na din yung ilalim ng mata niya but still gwapo pa din. Umawang na ang bibig ko kahit wala pa naman akong maisasagot sa sinabi niya. Anung gagawin ko? Humihingi siya sakin ng tulong? Pero siya ang dahilan kung bakit ko nararanasan ang lahat ng ito. Pero.... aaaaah.... anu ba naman. Nahihirapan ako. Anung gagawin ko? End of Flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD