[Chapter 12]:Sunday's Sorry

1356 Words
Rana Pov: Today was Sunday at plano namin sumimba ngayon. Family bonding na din kasi bihira naman kaming makapagsama-sama tuwing weekdays kasi pare-pareho kaming May pasok. Pasok sa trabaho at pasok sa school. Ngayon nga ay nasa kalagitnaan na kami ng misa. Kanina pa nag uumpisa ang pangaral ni Father. " Magsi tayo po ang lahat! ". Utos niya samin, kaya sumunod naman kaming lahat. Habang nagsasalita si Father sa unahan, may nararamdaman akong kumukulbit sa likuran ko. Agad ko itong nilingon para tignan kung sino kasi nakikiliti ako. Pagkakita ko sa kaniya halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko. Pasalamat nalang kamo di ako napasigaw sa gulat. Ngiting-ngiti siya sakin. And holy moly his smirky smiles, mas lalo siyang nagmumukhang diyos este diyosa! Bakit bumaba ang anghel na tulad niya dito sa lupa. Sinamaan ko siya ng tingin pero di nagpatinag ang pamatay niyang mga ngiti. Napansin siguro ako nila Ate kaya pati silang tatlo napalingon na sa tinitignan ko. Nung makita nila si Natcher ay kumislap ang kanilang mga mata lalo na yung dalawa ni Ate at Nanay. Talagang nagayuma na sila ng Baklang ito. " Sir!!! ". Tawag sa kaniya ni Ate. " Naniyan na po pala kayo! ". Pagkasabi nun ni Ate ngumiti si Nanay. Si Natcher naman talagang nakangiti na simula nun gulatin niya ako. " Shonie hijo, dito kana puwesto! ". Aya ni Nanay. Ang bakla umikot papunta sa upuan namin at kung minamalas sakin pa talaga siya pinatabi ni Nanay. Kasi sa left side ko nalang naman talaga ang vacant, so no choice din ako. Hindi ako nagsasalita. Tahimik lang akong pinapakinggan ang mga sinasabi ni Father. " Honey! ". Diko siya pinansin. Manigas siya diyan sa tabi. Ayaw ko siya kausap. At ayaw ko siyang kausapin. Ni tignan di ko din ginagawa. Maka Honey siya kami ba talaga? Hmmm nagugulo tuloy utak ko. Focus lang Rana. Nagmimisa si Father. " Honey! ". Anak naman ng tokwa ang sarap sa tenga ng boses niya. It was a total distraction. " Hindi Rana huwag kang lilingon. Huwag kang magpapadala sa pang-aakit ng boses niya ". Para akong tanga na kinakausap ang isipan ko. Maya-maya pa naramdaman ko ng sinusundot niya yung balikat ko. Para siyang multo na mabilis na napatindig ang balahibo ko sa buong katawan sa simpleng paglapat lang ng daliri niya sa balikat ko. Niyakap ko ang braso ko para mawala ang paninindig balahibo ko pero di ko pa din siya pinapansin. " Honey! ". Tawag nanaman niya. Shems! Anu ba naman bakla ito. Kita naman nasa loob kami ng simbahan. " Honey please look at me ". Wika niya at dahil puno na ako sa kakulitan niya nilingon ko na siya. Nakangiti siya ngayon sakin. Baliw ba siya? Kinacareer niya talaga mga kasinungalingan pinagsasabi niya kagabi anu. Puwes ako hindi. " Anu bang ginagawa mo dito? ". Ungkat ko sa kaniya. Wala pa naman siyang ginagawa pero naiinis na agad ako. Makita ko palang ang mukha niya nabibwiset na ako. Naiinis ako kapag nakikita ko siya. " Inaya ako nila Nanay! ". Huwaaat! Kaya pala kanina sa bahay madaling-madali sila. Kasi inaya nila itong si Natcher. " Huwag mo ngang tawagin ng Nanay ang Nanay ko. Hindi ka niya anak! ". Pagsusungit ko na sa kaniya. Ewan ba naiinis talaga ako sa baklang ito. Paano ba naman kung anu-anung gulo ang napapasukan ko ng dahil sa kaniya. " Magiging anak na din niya ako sa oras na ikasal na tayo ". Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. " Isa pa yan! Yung tungkol sa kasal anu bang tumatakbo sa isip mo. Balak mo ba akong gamitin dahil diyan sa boyfriend mo ha? ". Pabulong lang kaming nag-uusap pero nararamdaman ko na lumalakas na ng konti ang boses ko kasi mayroon napapatingin samin na kalapit upuan din namin. Hindi siya sumagot. Silents means yes! " Hindi ako magpapakasal sayo. Gumamit ka ng ibang babae huwag lang ako ". Buwelta ko sa kaniya. Iniiwas na ang tingin sa kaniya. Grabe! Problema niya idadamay pa ako. Kung di siya makamove on sana naghanap siya ng ibang babaeng magagamit niya at hindi ako. After ng nakakainis namin paguusap at naging tahimik nalang siya sa tabi ko Hanggang sa matapos ang misa. Pagkalabas namin ng simbahan naiwan kami sa tabi lang kasi nagtitirik pa ng kandila si Ate kasama sila Nanay at Tatay. Ako nawalan ako ng gana magtirik. Pasimple kong tinitignan si Bakla gamit ang peripheral view ng mata ko. Ayun malumbay ang mga mata tapos nakatulala lang habang nakasandal sa pader nitong simbahan. Wala siyang pakealam kung pinagtitinginan na siya ng ibang tao. Syempre si Shonie Natcher Valtocris ba naman na ito diba. Mayroon na din kumukuha ng litrato sa kaniya, mga nakaw pictures pero di niya iyon pinapansin. Napaawang ang bibig ko sabay buntong hininga habang nakahalukipkip sa tabi niya. Napaover ba ako kanina sa sinabi ko. Shonga ko lang din. Syempre kahit sabihin niya nun gabing mag usap kami sa bar na ang dami pang lalaki sa mundo, minahal niya pa din yung Ex niya. At syempre hanggang ngayon nandun pa din sakit na niloko siya nito at ipinagpalit sa babae. Hindi ko lang kasi maintidihan kung bakit hinahunting niya ako? Kung bakit bigla siyang pumasok sa buhay ko? Anu ba kasing kailangan niya sakin? Yun lang naman e. Kailangan ko ng sagot at para malaman lahat ng sagot dapat siyang suyuin. Magsosorry ako. Napaover din ang pagkasungit ko sa kaniya kanina. May pinagdadanan nga pala ang tao. Hinarap ko siya as in harap kasi nasa harapan niya ako. Nakatingin lang siya sakin na nakasandal pa din sa pader nitong simabahan habang nakapamulsa. Sa posisyon niya ang gwapo-gwapo niya tignan kasi ang manly niya sa post niya. " Sorry nga pala kanina sa nasabi ko sa loob ng simbahan. Diko sinasadya ". Sambit ko. Kumurap lang siya pero walang sinabi. Yun lang gagawin niya di man lang niya ako kakausapin. Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong iharap ulit sa kaniya at pinagdikit niya ang mga katawan namin kasi nakapulupot na ang mga braso niya sa beawang ko. Naito nanaman ang kuryente na nilalabas niya tapos ipapasa sakin para maramdaman ko din. Dahil sa ginawa niya napatingin ang karamihan sa mga tao samin. " H-huy! N-natcher anu ba! Ang dami taong nakatingin oh ". Wika ko sa kaniya. Pero tila baliwala lang sa kaniya kung pagtinginan kami ng tao. Titig lang talaga siya sa mga mata ko. Ako naman di ko malabanan ang mga titig niya kasi masyadong mabigat. Bumaba ang mga mata niya sa labi ko. " Apology accepted! ". Matipid niyang sambit saka niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko para mahalikan ako sa labi ko. Mas iniriin niya ang katawan ko sa katawan niya. Hindi ko alam kung bakit pero napapikit nalang din ako sa mga halik niya. Yung heat beat ko alam kong di na normal dahil sa baklang ito. Gumalaw ang labi niya para mapamulat ulit ako sa gulat. Bakla ko pa sana siyang itulak kaso masyado siyang malakas at hindi niya pinakawalan ang labi ko. Maya-maya pa kinagat niya bigla ang labi ko. " Aray!!! ". Reklamo ko sa kaniya. Kumalas na siya sa paghalik sakin. Nung makita ko ang green niyang mga mata tapos may bahagyang ngiti sa labi niya yung puso ko di na alam kung kakawala na ba siya sa dibdib ko. " What was that for? ". Pagaaliw ko sa sarili ko. " For accepting your apology. For being too masungit! for being too bad with me! and For telling me that you won't want to marry me ". Husky na tono ng boses niya. " D-dahil lang dun kaya mo ako hinalikan sa harapan ng madaming tao tapos kinagat mo pa ako ". Giit ko sa kaniya. " Para din iyan sa pagpapasama ng loob ko! ". Dagdag niya tapos binitawan na niya ako. Lumayo na siya sakin. " N-nag sorry naman ako e ". Ani ko. " That's why I kiss you. Means apology accepted ". Anu daw? Yun ang way niya para sabihin absuwelto na ako sa kasalanan ko. Adik talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD