[Chapter 11]:Number

1965 Words
Rana Pov: Akin ka na lang (akin ka na lang) Iingatan ko ang puso mo Akin ka na lang (akin ka na lang) Wala nang hihigit pa sa 'yo Naalimpungatan ako sa tunog na naririnig ko malapit sa ulunan ko. Kahit nakapikit pa ay ako kinapa ko sa ilalim ng unan ang cellphone ko na di humihinto sa pagtunog. Sinikap ko din imulat ang mga mata ko kahit nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa ilaw ng kuwarto ko na tumatama ngayon sa mga mata ko. Sakto din naman na nahagilap ko na ang phone ko at agad kong pinatay ang alarma nito. Plano ko palang ibaba ulit sana ito sa katabi ko ng bigla nanaman tumunog. (Blink*) sign yun na mayroon nagtext. Kaya di na ako nagdalawang na icheck ito. Pagkakita ko isang text message ang nag pop-in sa screen ng phone ko. Nakalagay ang nickname ni Razon. " Baklang Bestfriend ". Yan ang ipinangalan ko sa kaniya dito sa phonebook ko haha para palagi akong nareremind na bakla siya. Masyado kasi siyang maganda kaya napagkakamalan ko minsan fafable. Mahirap na baka makalimutan ko ng tuluyan delikado siya haha chour. Baklang Bestfriend: Hello Ghurl! Dito ako labas House niyo. Labas ka dali! Walang ekspresyon kong binasa ang message sakin ni Razon. Tinatamad pa kasi ako sa buhay lalo na alam kong saturday ngayon at walang pasok. Hindi pinansin ang text sakin ni Razon. Pinatay ko ang phone ko at hinayaan pumikit ulit ang mga mata ko. Ang sarap pang matulog e! Tutal wala naman pasok ngayon! Niyakap ko ang unan na katabi ko. Sa sobrang lambot ng unan at ng hinihigaan ko talaga naman nakakatamad tumayo mula rito. Pero di man ako nakakatulog ulit tumunog nanaman ang Phone ko. Hindi ko na sana ito papansinin pa kaso nagsunod-sunod na ang tunog ng ringtone ng phone ko kapag May nagtext. " Tsk! Estorbo naman si Bakla e ". Naiinis kong bulong sa hangin. Napahilamos nalang ako ng kamay sa mukha ko. At padabog na kinuha ulit ang cellphone ko. Tinignan ko agad ang message box ko at nalintikan na nga po! Halos mabitawan ko ang phone ko para bumagsak ito sa mukha ko sa parting ilong. Dahil may kabigatan at katigasan ang cellphone ko ayun pakiramdam ko mapaflat ang ilong ko sa lakas pagkakabagsak nito. " Ouch! ". Daing ko habang hinihilot ang ilong ko na baka mapango. Nang mahimasmasan na ako sa sakit saka ko binuksan ulit ang cellphone ko para muling tignan kung tama ba ako ng nakikita ko. Magkakasunod na text message lang naman ni Natcher ang nakikita ko ngayon sa screen. Paano ko nalaman siya. Syempre! Yun magic word niya na Honey! Siya lang naman tawag sakin niyan e. " Apaka feeling! ". Buwelta ko sa cellphone ko. Tila kinakausap ang message ni Natcher sakin kahit di naman ito nagsasalita. Hindi ko binasa ang mga text niya sakin. Cleaner ko ito lahat at yung kay Razon lang na text ang pinansin ko. Ako: Geh Bakla baba na ako! Slr Matipid kong reply saka nagmadaling tumakbo papasok sa cr. Naghilamos ako tapos tooth brush after ng daily routines ko in life tumakbo na ako paibaba sa sala. Sumalubong sakin ang mga mukha nila Nanay at Tatay ganun din si Ate. Nasa kusina sila na nagkakape lahat. " Good morning nak! ". Bati sakin ni Tatay. Nginitian ko siya bilang sagot sabay " Good morning din po Tay! ". Lumapit ako sa kanila sabay beso kay Tatay, kay Nanay, at syempre sa Ate kong maganda. " Almusal ka na! ". Aya ni Nanay. Tumango naman ako pero ang direksyon ko papalabas na ng bahay. " Rana saan ka? Tanghali na pagjajogging mo ". Ani pa ni Nanay. Nilingon ko muna si Nanay. " Nasa labas mo si Razon Nay, pupuntahan ko lang po ". Sagot ko tinanguan naman niya agad ang dahilan ko. Tuluyan na akong lumabas sa bahay. Pagkalabas ko palang natanaw ko na agad si Razon na kasama si Hash. Siguro may lakad nanaman sila. Di ko pa man nabubuksan ang gate ay lumapit na sila sakin. " Huwag na Ghurl dito nalang kami sa labas. Mayroon lang akong iaabot sayo! Di na din naman kasi kami magtatagal pa! ". Nagpout ako sa harapan niya na pawa bang inaasar ko siya. Nginisian niya lang ako. Sabay abot nun soju (rice wine). " Anu ito? ". Tanong ko. " Rice wine ". Matipid niyang sagot. " Alam ko! Para saan? Kanino galing ". Tanong ko ulit. " Kay Mommy diba nga nagpunta silang Korea at kararating lang nila kagabi. Pinapabigay niya sa inyo ". Wika ni bakla. Kinagat ko ang labi ko sabay tango. " Ah ganun ba thank you bakla ah! ". Pasasalamat ko at kinuha na ang inaabot niyang soju sakin. " Oh siya sige Ghurl gogora na kami. See you at Monday love yah! Take care ". Natawa naman ako nun mag flying kiss siya. " Haha sige bakla ingat kayo sa date niyo... Hash ikaw na bahala kay Bakla ah ". Paalala ko pa kay Hash. " I will Princess! ". Tugon nito saka sabay silang pumasok sa kotse ni Hash. Pinanuod ko muna silang mawala sa paningin ko bago pumasok pabalik sa loob ng bahay. " Oh asan na si Nelle? ". Tanong agad ni Ate pagkapasok ko. " Ah umalis din kasama jowabells niya. Idinaan lang itong pasalubong ni Tita satin ". Ipinakita ko sa kanila yung soju na hawak ko. Bali halos dalawang bote din ito. Nang makita ni Ate ang rice wine na hawak ko ay napatalon agad ito sa kinauupuan niya sabay takbo papalapit sakin. " Wow! ". Wika niya pagkakuha mula sa kamay ko. " Ashiel mukha ka na talagang alak ". Utas sa kaniya ni Tatay. Napakamot naman sa kaniyang ulo si Ate. " Di naman po ito alak tay e ". Ani pa ni Ate. " Anung di alak! ". Giit pa ni Tatay. Naputol lang pag-tatalo nilang dalawa nun sumingit na si Nanay. " Sige na mag-almusal na muna tayo. Maupo na kayong magkapatid. And Ashiel put that wine inside ng refrigerator ". Utos ni Nanay kay Ate. Tumango naman si Ate saka sinunod si Nanay. Mag katabi kami sa upuan ni Ate. Kumakain na kami ngayon. Ang ulam namin ay ang paborito kong alamang. Yap! Maliit siyang hipon na puwede panglagay sa mangga pero di siya baguong. Magkaiba yun dalawa. Mayroon din naman scramble egg tsaka pancakes pero mas gusto ko pa din itong alamang. Ngayon nalang ulit nagluto si Nanay nito e. Pareho kami ni Tatay na paborito ang alamang ni Nanay kaya nagkakasundo kami kapag Alamang ang ulam. Ginanahan ako kumain bigla kaya sumandok agad ako ng madaming kanin. " Mapaparami ang kain ko nito! ". Excited kong wika. Tinawanan naman ako ng bahagya nila Tatay. " Anu pa paborito mo yan e... kapag mag-asawa na kayo ni Shonie dapat alam niya kung paano lutuin yan ". Sambit ni Ate. Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Napapadalas na pagiging maldita ko haha. E kasi naman hate na hate kong naririnig ang pangalan nung Snatcher na baklang yun. Dahil sa kaniya pakiramdam ko hindi ako Sade sa mundong ginagalawan ko ngayon. Parang ang daming matang nakatingin saan man ako pumunta. Assuming na ba ako? Pakiramdam ko lang naman e. Imbis na matakot si Ate tinawanan niya lang ako. " Haha huwag ka na mapikon sissy. Love kaya kita! Sinasabi ko lang naman e tsaka di mo ba narinig, sabi ko kapag? I diba wala pa naman kasiguraduhan ". Palusot pa ni Ate. Hindi ko na siya pinansin pa at ipinagpatuloy nalang ang pagkain ko. Habang ninanamnam ko pagkain ko biglang umilaw ang screen ng phone ko. Sabay kaming napatingin ni Ate dito kasi tumunog din siya kaya narinig niya. " Sino yan? ". Ungkat niya. " Ah wala! ". Matipid kong sagot kahit ang totoo e si Natcher yun. Kanina pa niya ako di tinitigilan, ayaw ko naman patayin phone ko kasi naghihintay ako ng reply ng mga group mates ko sa thesis namin. Nag-iisip na kasi kami ng magiging title namin pero sobrang hirap kasi kailan makakahanap kami ng mga taong nagconduct na din nito mismo para di na kami mahihirapan sa studies at litterateur. Di pa ako nakakasubo ulit ng tumunog nanaman ang cellphone ko. " Sagutin mo na kasi iyan! ". Bulong pa sakin ni Ate. Diko siya pinakinggan. Ayaw ko! At hindi ko sasagutin text ni Natcher kahit tumawag pa siya sakin. Ibinaling ko ang atensyon ko sa kapatid ko. " Ate! ". Tawag ko sa kaniya. " Uhmmm bakit? ". Tugon niya. " Ikaw ang nag bigay ng number ko kay Natcher anu, I mean sa Boss mo ". Wika ko. Hindi siya tumitingin sakin. " Masama naminintang Rana alam mo yan ". Giit niya. May point siya pero diko naman siya precisely na pinagbibintangan. Imposible lang naman kasi na mahulaan ni Bakla ang phone number ko. Malakas ang kutob ko na mayroon kinalaman ang kapatid ko tungkol dito. " Ate kilala kita. Boss mo si Natcher at crush mo pa imposibleng di ka tumiklop sa kaniya. Ikaw ang nagbigay ng number ko sa kaniya diba? ". Pamimilit ko pa. " Bakit ko naman gagawin yun ha sissy? ". Kuwestiyon din niya pabalik. Bakit ba hindi nalang niya aminin sakin. Alangan naman galing kina Nanay diba. " Ate naman e!! ". Giit ko pero pabulong kang baka kasi magalitan kami nila Nanay kapag nag ingay kami sa harapan ng pagkain. " Hindi ko nga binigay sa kaniya! ". Dipensa nanaman niya. " Kung hindi sino? ". Tanong ko. Kumibit balikat siya sabay subo ng pagkain niya. " Anu ba pinagtatalunan niyo diyan dalawa? ". Napatingin kami kay Tatay. Napansin niya palang nagbubulungan kami ni Ate. " Ah wal———— ". Diko naituloy ang sasabihin ko ng sumingit agad si Ate. " Ito po kasing si Rana, Tay. Pinagbibintangan ako na ako daw po nagbigay kay Mr. Valtrocris ng number niya. E hindi naman ". Pagsusumbong ni Ate kay Tatay. Pinasadahan ko lang tingin si Ate bago ibinalik ko din ang atensyon ko kay Tatay. Si Nanay naman pinapanuod lang kaming tatlo. " Tay, si Ate lang naman po ang may koneksyon sa Boss niya kaya talagang siya lang puwede pagkuhaan ni Natcher ng number ko? Hindi naman po puwedeng kayo diba o si Nanay ". Dipensa ko naman sabay subo ng pagkain ko. Biglang umubo si Nanay na ipinagtaka namin. " Nay okay ka lang? ". Tanong agad ni Tatay. " O-Oo nasamid lang ". Sagot ni Nanay para makahinga kami ng maluwag. " Hinay-hinay lang po Nay sa pagkain ". Sambit ko na tinanguan niya agad. Nagpatuloy kami sa pagkain pero muli akong natigilan ng tawagin ako ni Nanay. " Rana anak! ". Uminum muna ako ng tubig bago si Nanay hinarap. " Po Nay? ". Tugon ko. " Hindi ang Ate mo ang siyang nagbigay ng number mo kay Shonie. Kundi ako! ". Pagkasabi nun ni Nanay siniko-siko ako ni Ate. " Kitams sissy hindi ako. Si Nanay! ". Ani niya sakin. Hindi ko pinansin si Ate at kay Nanay lang ako nakafocus. " Nay bakit niyo po binigay? ". Ungkat ko. " Aba alangan naman ipagdamot ko number mo. Bukod sa boss siya ng Ate mo e mapapang-asawa mo pa! ". Dahilan ni Nanay. " Sabi ko na sayo hindi ako! ". Paguulit pa ulit ni Ate. Hindi na lang ako nagsalita. Wala naman na din akong magagawa. Alam na ni Natcher number ko. " Anu ka ba Sissy number lang yun. Tsaka may point si Nanay, diba Tay? ". Pagpapaayo ng Ate. Tama bang pagtulungan nila akong tatlo. Hindi nagdalawang isip si Tatay na tumango. Kaya ako ito napabuntong hininga nalang. Tatlo sila vs. sakin. Anung laban ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD