Rana Pov:
(t****k-t****k t****k- t****k) malakas na tunog ng orasan namin dito sa sala. Mga tahimik lang kaming lahat. Walang nagtatangkang magsalita. Nakaupo ako sa coach katabi si Natcher at sila Nanay at Tatay naman nakatayo sa harapan namin habang nakahalukip-kip at pameawang.
Si Ate nasa kanang bahagi ko nakaupo sa single chair at pinapanuod niya lang kami. Nakayuko ako dahil sa hiya at takot kina Nanay. Hindi naman na sila galit pero diko pa din kasi alam ang idadahilan ko sa kanila. Alam nilang wala akong boy-friend at never akong nagkameron. Lalo na ang priority ko lang ay ang pag-aaral ko. Kaso sa isang iglap lang umabot ako sa ganitong sitwasyon.
At dahil yun dito sa baklang katabi ko.
Pasimple kong pinasadahan ng sulyap si Natcher. Kalmado lang ang itsura niya, tahimik at tulala sa sahig. " Adik ba siya? ". Bulong ko sa hangin na ako lang mismo nakakarinig. Mukhang naramdaman niyang mayroon nakatingin sa kaniya. Napatingin kasi siya sakin bigla para iiwas ko naman agad ang pagkakatama ng mata ko sa kaniya.
" Rana? Anu na kanina ka pa namin tinatanong diba..... boyfriend mo ba itong lalaking toh? Oo at Hindi lang naman isasagot mo! ". Sambit ni Nanay. Hindi ko alam kung bakit di ko magawang maibuka ang bibig ko para sagutin siya. Oo at Hindi lang naman pero pinapahirapan ako ng labi ko. Ayaw nito sumunod sa sinasabi ng isipan ko.
Gusto kong sabihing Hindi pero baka isipin nilang ang landi-landi ko para makipag halikan sa isang lalaki na wala akong kaugnayan. Kung sasabihin ko naman Oo! Shems mas lalong di puwede. Apaka suwerte na nitong baklang toh kung ganun. Hindi ko alam kung papaniwalaan ba nila ako kung sasabihin kong bakla itong si Natcher at ito mismo ang humalik sakin ng basta-basta.
" Rana kailan ka pa di sumagot kapag tinatanong namin. Kailan ka pa natutong mag lihim? ". Dagdag naman ni Tatay. Nilingon ko si Ate. Gusto konang humingi ng tulong sa kaniya. Pero nagkibit balikat lang siya sakin sabay kamot sa sintido niya. Naningkit ang mga mata ko... Hindi puwedeng dito na ito matatapos. Di puwedeng magalit sakin sila Nanay dahil sa mistaken Kiss na ito.
Huminga ako ng malalim saka hinarap sila Nanay at Tatay ng maayos. Umawang na ang bibig ko para magsalita at sabihin ang totoo sa kanila. Ayaw kong mawala ang tiwala nila sakin. " A-ang totoo po n-niyan hindi ko po siya bo———— ". Naputol ako sa pagsasalita ko. Bigla nalang kasing sumisingit ang Bakla. Nasa kaniya ngayon ang atensyon namin.
"I'm not her boyfriend ma'am, sir! ". Wika ni Natcher. Dahil sa ginawa niya napatitig kami lalo sa kaniya. Natauhan lang ako nung marealize ko na inamin na niya ang totoo. Napangiti ako ng bahagya. Mabuti naman may awa pa siya sakin. Mabuti at alam din niya na mali ang magsinungaling. Tinignan ko sila Nanay na nakay Natcher pa din ang atensyon.
Pakiramdam ko nabunutan na ako ng tinik. Ang kailangan ko nalang ipaliwanag ay yung Kiss na malas sa buhay ko. Konting oras ko palang ineenjoy ang pagkapanatag nung may idinugtong si Natcher sa sinabi niya. " I'm not his boyfriend po, but I'm his Fiancé! I want to marry your daughter ma'am sir! ". Nakatayo na ngayon si Natcher sa harapan nila Nanay.
Yung mga reaksyon namin magkakapareho maliban sa baklang nakatayo. Literal akong napanganga sa narinig ko. Siya? Fiancé ko! Kailan pa. At anu daw? He want to marry me. Nahihibang na ba talaga siya. Sinulyapan ko si Ate at maging ito ay di makapaniwala sa sinasabi ng Boss niya. Muli kong ibinaling ang tingin kay Natcher. Seryoso pa din itong nakikipagpalitan ng tingin sa mga magulang ko.
Di na maipinta ang struktura ng mukha nila Nanay. Tiyak na hindi sila makapaniwala sa narinig nila at ako din. " Ehem!!!! ". Pagbabasag ni Ate sa katahimikan at awkwardness. " A-anu kamo S-sir Shonie? Papakasalan mo ang kapatid ko! ". Gulat ngang tanong ni Ate. Tumayo na siya sa pagkakaupo niya at ngayon nga ay lumalapit na sa direksyon namin.
Tinignan ako ni Ate habang tinuturo ng daliri niya. " You heard it Ms. Aguilar ". Walang pagaalinlangang sagot ni Natcher. " S-sandali nga lang! Naguguluhan na ako.... magkakilala kayo Ahiel? ". Ungkat ni Nanay. Ngayon kay Ate nabaling ang atensyon namin. " O-opo, siya po yung Boss ko e sa trabaho! ". Sagot ni Ate. " E paanong nakilala ng kapatid mo itong Boss mo? ". Tanong pa ni Nanay.
Sa kanilang ni Tatay si Nanay talaga ang pinakang nakakatakot. Bukod sa maungkat e sa mga tingin palang nito parang lalamunin kana kapag galit siya o di kaya naiinis. Nakakatakot talaga siya sa madaling salita. Nagkatinginan kami ni Ate.
Halos di si Ate makapagsalita. Walang alam sila Nanay na sa bar ako dinala ni Ate kahapon. At wala din alam si Ate na nagkakilala na kami ni Natcher sa Milk Tea House palang bago pa niya kami makita sa bar kagabi. Hala anu na bang nangyayari. Kasi naman itong bakla na ito. Anu bang pakana niya sa buhay at nanggugulo siya.
Sumasakit na ang ulo ko pati yung pisnge ko.
Sa palagay ko namasa na ang sampal sakin nung babae sa campus. Yung babaeng yun ang liit-liit pero grabe kung makapanakit. " A-anu po! A-aaah! ". Patay na wala ng maisip na dahilan si Ate. Ganun din ako wala akong maisip ni isang kasinungalingan mapagtakpan lang ang totoong nangyari sa bar. I can't take this anymore sasabihin ko na lang kina Nanay ang totoo. Kaso baka mapahamak si Ate at panigurado yun.
" Rana! Ashiel! Ayaw niyo magsalita. Ikaw Mr.???? ". Pagbabaling ni Nanay kay Natcher at pagtatanong na din sa pangalan niya. " Shonie Natcher Valtocris po Nay! ". Nakita ko na lihim na napangiti si Nanay. Seriously? Nadadala siya ng karisma nitong baklang ito. " Ohhhh Mr. Valtocris! Dahil ayaw sumagot nung dalawa ikaw nalang ang sumagot ng tanong ko. How did you and my daughter met? ". Wika ni Nanay.
Hindi natinag sa kalamdong ekspresyon ang mukha ni Natcher. Para bang preperado siya sa isasagot niya at tila alam din niyang iyon ang itatanong sa kaniya. Ibang klasi! Nakadrugs nga ata itong bakla na toh. Sandali akong tinignan ni Natcher pero mabilis din niyang ibinalik ang atensyon kay Nanay. " Sa Milktea House po kami nagkakilala ni Rana. She was their alone and suddenly my eyes spotted on her beauty. I easily fall for her dahil nakita ko na po agad ang sarili ko sa kaniya na magkasama kaming tatandang dalawa ".
Anak ng tokwa! Anung kakornehan ang kinukuwento niya sa mga magulang ko. Some of his details naman is true nagkakilala kami sa Milktea House pero napakalayo ng totoong sumunod na nangyari kumpara sa kuwento niya. " May ikukuwento ka sakin mamaya sissy! ". Kinig kong pagbulong sakin ni Ate. Diko siya pinansin kasi hagas na ako sa mga naririnig at nasasaksihan ko ngayon.
" S-sandali, a-anung sinasabi mo! Nay! Tay! Huwag niyo pong sabihin na naniniwala kayo s sinasabi ng baklang, l-lalaking ito? ". Tinuro ko si Natcher gamit ang kamay ko. " Rana were not talking to you kaya huwag ka munang makisali ". Giit ni Tatay. Hindi na nila ako pinansin pa at nagfocus kay Natcher. Literal akong napatunganga sa pagiisang tabi sakin ng mga magulang ko.
" Ikaw ba hijo, Shonie. Seryoso ka ba sa anak namin? Ngayon palang yan nagkaboyfriend kaya talagang ingatan. Ayaw na ayaw kong pinapaiyak si Rana ng kahit sino ". Ani ni Tatay. Sa Litanya na binibitawan niya ramdam kong ibinibigay na nila ako kay Bakla. Tumango si Natcher. " Makakaasa ko po kayo sir iingatan ko po ang anak niyo! ". Sagot ni Natcher para sikuhin ako ni Ate. Inirapan ko lang siya kasi bakit parang botong-boto sila dito kay Bakla. Ako kaya anak at kapatid nila. Grabe!
" Kung ganun aasahan ko yan. Just make sure na may isang salita ka. Kailan ba ninyo balak magpakasal? ". Huwaaaat! O.M.G! Diko na kaya ito. Naloloka na ako. Tuluyan na nga akong ipinaubaya ng mga magulang ko sa taong di man lang nila nakakasalamuha at ngayon lang nila nakita.
Panigurado ginayuma ng baklang ito ang isipan ng mga magulang ko. Mayroon siyang alam na black spell. Oh no! Di ako papayag na pakasalan siya hindi. " Pagkagraduate na paglagraduate po mismo ni Rana ". Sagot ni Natcher. Jusko! Lupa please lamunin na ako. Di ko na carry nangyayari dito sa bahay.
" Rana anak! ". Baling na nila sakin. " P-po? ". Nangangatal kong sagot. " Hahayaan ka namin magkaboyfriend but make sure and promise us di mo papabayaan pag-aaral mo, okay! ". Di ako sumagot, malamyang ngiwi nalang ang itinugon ko. Talaga ngang isinuko nila ako. Please sabihin niyong nanaginip lang ako. Na isang malaking panaginip lang ang lahat ng nangyayari ngayon dahil kung Oo gusto ko ng gumising. Gisingin niyo na ako please!!!!!!!