Tulad ng iniutos sa akin ni Dad, ihahatid ko si Kuya Kaloy sa spare room na magsisilbi niyang kwarto. Tanging mga yapak lang ng aming mga paa ang maririnig dahil nakabibingi talaga ang katahimikan. Maririnig ang kalansing ng mga kubyertos sa kusina. Minsa’y nagiging conscious ako kung naririnig na ba niya ang aking hininga. It’s so unfair that I’m intimidated while he’s not. Apektadong apektado ako sa kaniyang presensya ngunit wala akong napapansing ganoon sa kinikilos niya ngayon. Siguro wala lang talaga ako sa kaniya. Siguro trabaho lang talaga ang nasa isip niya. Ngunit kung trabaho nga, ‘di ba sana’y walang personalan? Pero trabaho niya ang bantayan ako at darating ang punto na mangingialam na siya sa mga desisyon ko! Sabay kaming huminto sa tapat ng isang pinto. Huminga ak

