Isang malakas na buga sa hangin ang pinakawalan ko bago pinindot ang dial button. Pagkatapos ay tinitigan ko sa loob ng ilang segundo ang numero ng kaklase ko. Sana’y masagot niya at mapaunlakan ang tawag ko. Ilang ring pa ang saglit kong narinig at nagsalita na siya sa kabilang linya. “Hello?” rinig kong sambit ng kaklase kong si Risha. Siya iyong naisipan kong tawagan nang makarating kami sa bahay. Kinuha ko ang numero niya kay Carrie bago umalis at saka tinagawan nang makarating ako rito sa kwarto. “Hi, si Mossa eto, kaklase mo.” “Oh? Hello Mossa!” biglang sigla sa boses niya. Ngumiti ako kahit na hindi naman ako nakikita. Sa sandaling nalaman ko na kuya ni Ada ang natitipuhan ng driver na pumalit sa kaniya, ito ang tangi kong naisip na paraan upang pigilin iyong man

