Anumang pilit ko sa sarili na pantasya lang ito at wala ni isa sa mga pangyayari ang talagang nangyari, mukhang kailangan ko na talaga tanggapin na naganap nga ang bawat kaganapan kanina.
Do I really have to contemplate this and do nothing? Dahil anong magagawa ko? Mukhang desidido na magpakasal si Ada at Dok. Mukhang wala ng pag-asa si Trivo. Higit sa lahat, mukhang mahal talaga ni Carrie si Trivo. Magawa ko mang magulat para sa kanila, ang tangi ko lamang magagawa ay makinig at pakinggan ang kaniyang hinanaing.
“Mahal ko si Trivo…” mahinang bulong ni Carrie. Lalo pang binaha ng luha ang kaniyang mga mata at ang bawat segundo ay waring hamon sa kaniya.
The sun may be dim because of the facades made by clouds but her tears are crystal clear. Hindi ganito ang Carrie na araw-araw kong nakikita. Hindi ganito ang Carrie na palabiro, tawa nang tawa, at madaldal. Sa isip-isip ko, paano niya nagawang itago ang lahat ng ito? Mula sa lihim niyang pagtingin kay Trivo, naiisip kong masakit para sa kaniya ang makitang in love si Trivo kay Ada.
“Kailan pa Carrie?” tanong ko nang mahinahon. Ganoon na nga siguro ako kamanhid upang hindi iyon mapansin. Mahirap nga naman talagang makita na masaya ang taong mahal mo sa iba. At mas mahirap pa kung hanggang tingin ka na lang dahil kaibigan pa ‘yong nasa paningin lang niya.
Hindi ako galit kay Ada dahil sa desisyon niya. Nagulat? Oo. Sa totoo lang ay pabor din ako lalo’t ngayong sinabi niya. Kaysa naman paasahin si Trivo, ‘di ba? May mga bagay na masakit malaman pero mas masakit kung lalo pang nilihim sa’yo at lalo pang pinatagal.
I really commend Ada for her bravery. Batid kong humugot talaga siya ng lakas ng loob upang ibalita sa amin ito, partikular na kay Trivo.
Kusa kong pinalis ang luha ni Carrie. Inayos ko pa ang pagkaka-indian seat ko nang sa gayon ay mas mapantayan ko pa ang kaniyang upo. Mas lumapit pa ako sa kaniya at tinahan ang mahina niyang hagulhol.
“M-medyo matagal na Mossa. Elementary pa lang yata tayo noon, gusto ko na siya.”
Nagimbal man, hindi ko talaga napigilang suminghap. Tandang tanda ko ang mga panahong iyon dahil siya pa mismo ang tumutukso kay Trivo at Ada!
“Sana naman ay sinabi mo ‘di ba? I mean, alam ko kung gaano kahirap iyon para sa’yo. Kahit sana’y nakatulong ako para may karamay ka.”
“Para saan pa?” sagot niya. “Para saan pa kung sasabihin ko? Ayokong magbago ang tingin niyo sa akin. At mukhang wala rin namang mangyayari pa kung ipapaalam ko. Sabi ko nga noon sa sarili ko, baka infatuation lang ‘to at hindi naman magtatagal. Pero bakit ganoon? Ilang taon na pero patay na patay pa rin ako sa k-kaniya.” Nabasag ang kaniyang boses nang sabihin ang huling salita. Nahabag ako sa hagulhol niya kaya lalo pa akong lumapit at ginawaran siya ng yakap.
As much as I want to make her happy, tingin ko’y magiging mahirap ito para sa kaniya. Ngunit naroon pa rin ang pag-asa at pagbabaka sakaling maka-move-on siya. Dahil sa totoo lang, hindi ko kakayanin kung magbago na siya ng personalidad. Araw-araw kong hahanapin ang kadaldalan niya, ang ingay niya, at higit sa lahat, ang kakulitan niya.
Maybe it's her loudness that made me even closer to her.
Ilang minuto pa kaming nanatili roon at naging tahimik na kami sa mga sumunod pang tagpo. This is all she really needs. Siguro ganoon na rin naman ang bawat isa sa atin. Hindi natin kailangan ng taong susumbatan tayo hanggang sa maubos ang pasensya at tayo’y matauhan. Ang kailangan natin ay ang taong makikinig sa problema natin, sapat nang nasa tabi natin sila—nakikinig at nakikiramay.
Sa buhay ko, marami nang sumubok na kaibiganin ako. Sadly, karamihan sa kanila ay tila may iisang dahilan at iyon ay ang estado ko sa buhay. Inaamin kong may kaya ang pamilya namin at kaya kong bilhin anuman ang aking luho. But no, hindi materyal na bagay ang makapagpapasaya sa akin. Hirap na hirap akong mahanap ng totoong kaibigan na hindi ako gagamitin at gagawing bank.
Not until Ada and Carrie came into the picture. Sila ang dalawang tao na nagpabago sa pananaw ko. Sila iyong tipong genuine ang bawat galaw, halata sa mga kilos na sinsero ang pakikitungo at talagang kasangga sa lahat ng bagay. Nakakalungkot nga lang dahil kinailangan nang huminto ni Ada sa pag-aaral.
Saka lang kami tumayo ni Carrie nang makita si Trivo na ngayon ay nagmamadaling lumabas at nakakuyom ang mga kamao. Pinagmasdan namin ni kung paano siya pumasok sa kaniyang sasakyan at pinaharurot ito palayo sa mansion.
Tumingin ako kay Carrie. Though kitang kita pa rin ang pamumula ng kaniyang mga mata, mas nahimasmasan na siya ngayon kumpara kanina. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa bahay.
“Ang bilin ko ha?” aniya. Tumango ako at ngumiti.
Subalit agad na naglaho ang ngiti ko nang makitang nakatayo sa tabi ng pinto si Kuya Kaloy, nakasandal siya at nakahalukipkip. Hindi ko alam kung bakit sa akin lang siya nakatingin at para bang pinag-aaralan ang aking mukha. Walang emosyon ang kaniyang mga mata at makikinita sa labi niya ang panunuya.
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang kami ni Carrie sa loob. Pilit kong pinigilan ang sarili mula sa pag-aalburuto dahil ramdam kong umaahon na naman ang bugso ng inis at pagngangalit. Habang tumatagal ay naiisip ko na talagang attitude ang isang ‘yon. Nag-sorry na nga ‘di ba? Ano pa bang gusto niyang marinig? Ano pa bang gusto niyang mangyari? I was so sincere but he kept on holding his wrath. Kung ganoon nga, anong magagawa ko? Edi magalit siya.
Besides, hindi ako nabuhay para sa kaniya. Not all people will be pleased. Hindi mawawala ‘yong naiinis sa’yo, pagbaliktarin man ang mundo.
Tulala si Ada nang maabutan namin sa sofa. Prominente ang lungkot sa kaniyang mukha ngunit walang bakas ng luha ang mga mata. Sa loob-loob ko, sobra akong proud sa kaniya. Dahil kahit na mahirap aminin at ipaalam sa taong umaasa sa kaniya ay nagawa niya pa ring sabihin upang hindi na lalo masaktan. Afterall, wala rin namang sikretong hindi nabubunyag. Better spill it earlier for the greater good.
“Sorry kung na-disappoint ko kayo,” aniya sa mahinang boses. Tumabi ako sa kaniya samantalang si Carrie ay sa tapat niya.
“No, huwag kang humingi ng tawad. Ayos lang sa akin,” agap ko at hinagod ang kaniyang likod. Pilit siyang ngumiti sa akin at inilipat naman ang tingin kay Carrie.
“Wala na rin naman tayong magagawa kung desidiso ka nang ipakasal. Pero bakit naman biglaan? Masyado pang maaga, Ada,” ani Carrie. Lumukot ang kaniyang noo at sandaling hinimas ang sentido.
Umiling si Ada. “Napagkasunduan ng magulang ko…”
Tumingin si Carrie sa akin, halata na ang iritang gumugit sa kaniyang mukha. “Pero Mossa, may punto ako ‘di ba? I am not against because of their age dahil legal naman silang pareho para sa kasal. But heck.” Bumaling siya kay Ada. “Hindi mo pa nae-enjoy ang kabataan mo Ada—”
“M-masaya ako kay Dok at alam kong may isasaya pa ang buhay ko kapag kapiling ko siya.”
Napailing-iling si Carrie. “So unbelievable…” Nagkibit-balikat siya. “Hindi bale. Kaibigan ka naman namin afterall. Pasensya na sa reaksyon ko ha? Kasi nagulat lang talaga ako. Siguro… siguro’y huwag mo na lang kami kalimutan kapag naging asawa ka na ng doktor. Gosh,” biro niya na ikina-aliwalas ng mukha ko. Iyan ang Carrie na kilala ko!
“Baka naman Ada…” biro ko rin at tumawa. “Libre ang pagpapagamot namin sa asawa mo ha? Kidding aside, balitaan mo na lang kami kung kailan ang kasal niyo. Abay kami.”
Natawa si Ada at marahang tumango.
Ilang sandali pa’y napagdesisyunan na naming lumabas at muling sumakay ng Pajero. Sumama na rin si Carrie at talagang nakipagsiksikan pa sa akin sa passenger’s. Si Ada naman at ang kuya niya’y tahimik lang sa likod. And as usual, parang bipolar na nagdadadaldal si Carrie habang nasa byahe kami patungo sa lugar ng dalampasigan.
Saka lang kami nagsibaba nang narating na namin ang tapat ng dagat. Ni-park ng driver sa tabi ng kaslsada ang sasakyan at nakipag-usap muna kay Kuya Kaloy. Nagkibit-balikat na lang ako at lumapit kay Ada at Carrie na nakapwesto na ngayon sa ilalim ng puno ng niyog.
Umihip ang malamig na hangin. Nagkasabog-sabog ang buhok ko. Ganoon rin ng nangyari sa dalawa kaya natawa sila nang mahina.
“Si Kuya?” tanong ni Ada. Tinuro ko ang pwesto ng sasakyan kung saan naroon ang dalawa, mukhang seryoso sa pinag-uusapan.
“Congrats na agad sa inyo…” singit ni Carrie. Saglit siyang tumulala sa dagat at muling binalik ang tingin kay Ada. Pumwesto ako sa gitna nila at kapwa sinukbit ang braso sa kanilang mga braso.
“Super congrats. Huwag na huwag ka lang magkamali na kalimutan kami sa mismong araw ng kasal dahil kung hindi, hay nako,” wika ko sabay nguso.
“Uy hindi ha. Siyempre pagpaplanuhan pa namin iyon. Saka bakit ko kayo kalilimutan eh mga bestfriends ko kayo?”
Napangiti na lang ako. Saglit pa kaming nagtawanan nang humagibis ang hangin ngunit natahimik ako nang makitang naglalakad na papalapit dito si Kuya Kaloy. Nawala ang ngiti sa labi ko at napansin iyon ng dalawa.
“Tara na,” malalim niyang sabi sa kapatid. Mabilis namang tumango si Ada at kumalas mula sa aking braso.
“Sige, alis na kami. Salamat sa unawa niyo. Sorry din sa disappointment na idinulot ko.”
“Mawawala din ‘to,” tukoy ni Carre sa bigat ng kaniyang loob. Sinsero siyang ngumiti at nakipagbeso kay Ada.
Sa huling tagpo, pinagmasdan ko kung paano sila naglakad patungo sa bangka. Sa pagtulak doon ni Kuya Kaloy, tumiim ang titig ko at pinag-aralan ang bawat niyang kilos.
“Bye kuya!” sigaw ni Carrie. Nagulat ako nang makita ang ngisi niya sa saglit na paglingon. Tumango siya at nagpatuloy sa ginagawa.
What the hell? Bakit parang ang bait niya kay Carrie? Tapos sa akin, hindi? Anong kalokohan ‘to?
Suminghap ako sa hangin upang ipanatili ang composure. Relax, Mossa. Relax!
His broad shoulders defined as he pushed the boat towards the sea. I can’t help but decipher his masculine features. Sa unang tingin, aakalain mong suki ng gym. Siya iyong tipong imahe ng probinsyanong batak sa pagtatrabaho ang katawan. At hindi naging hadlang ang kulay kayumangi niyang balat upang madepina ang wangis niyang may bahid ng kagwapuhan.
Napairap ako nang wala sa oras. Did I really admit that he’s handsome? Goodness!
“Nauna pang mag-asawa si Ada kaysa sa kuya niya ‘no?” biglang sabi ni Carrie. Deretso pa rin ang titig namin sa dagat at pinagmamasdan nang kumakaway si Ada. Sabay din kaming kumaway nang makitang umandar na ang bangka at papalayo na ito sa amin.
Sumang-ayon ako kay Carrie saka sumimangot. “Mukhang hindi naman makakapag-asawa ‘yang si Kuya Kaloy eh.”
“Huh?”
“Anong huh? Sa sungit ba naman niyan. Sinong babae ang magkakagusto sa supladong tulad niya? Himala na lang kung makapag-aasawa pa ‘yan,” asik ko ngunit tumaliwas siya.
“Seryoso ka ba? Paano mo nasabing masungit iyon eh ang bait-bait naman sa akin?”
This time, napatingin na ako sa kaniya. Kapwa ko itinaas ang kilay ko at humalukipkip. “Paanong hindi kung tinatarayan ako? Humingi na nga ako ng tawad kahit ako pa ‘tong minura niya noong debut ko.” Saka ko ipinaliwanag ang nangyari noong nasa waiting shed kami. Napatulala siya. “See? Masungit talaga.”
Naglakad na kami pabalik sa sasakyan ngunit naroon pa rin ang isip niya, na para bang hindi makapaniwala sa nasabi ko.
Goodness. So ako lang pala talaga ang sinusungitan ng mokong na iyon? Dahil kung ako lang talaga, nasisiguro kong ganoon na pala talaga kabrutal ang galit niya sa akin.
Kaya ako talaga ang unang magugulat kung malalamang may girlfriend iyon. Tanga na lang siguro kung magpapaniwala pa ang babae sa ipinapakita niyang ugali. Ang plastik.
“Easy lang haha!” tumawa si Carrie nang makaupo na kami sa backseat. Nagsimula nang magmaneho ang driver habang ako ay inis na nakatitig sa rear door glass.
Magsasalita na sana ako nang bigla akong unahan ng driver.
“Mossa, wala kasi ako mamaya. Pakisabi na lang sa Daddy mo na may kapalit na ako sa makalawa.”
Tumango ako. “Okay po.”
Tumingin ako sa rear-view mirror. Nang magtama ang mga mata namin, muli siyang nagsalita. “Hindi mo sinabing kakilala niyo pala si Karlito?”
Kumunot ang noo ko at tumingin kay Carrie. Nagkibit-balikat siya kaya muli kong binalik ang pansin kay Manong driver.
“Kuya po siya ng kaibigan namin, bakit po?”
Tumikhim siya. “Nakausap ko kanina. Gulat nga ako at huli na nang mapansin ko. Kaya pala pamilyar sa akin dahil dati siyang personal driver sa sentro. Tinanong ko nga kung interesado ba siyang pumalit sa akin, hayun at pumayag naman.”
Umawang ang bibig ko at pikit-matang napamura. Nanginig ang mga daliri ko at unti-unting umahon ang hindi maipaliwanag na nadarama.
Punyemas naman. Bakit siya pa?